Naka higa ako sa kama habang nakatitig sa kisame, alas otso na nang umaga pero hindi pa rin ako makatayo nang higaan para mag almusal, kinapa ko ang cellphone sa aking tabi at pinindot ang number 1 para sa speed dial
*tring tring tring*
pinakinggan ko ang pag ri-ring hanggang sa nag salita ang babaeng operator
"Sorry the person your calling is busy at the moment please leave a message after the beep"
na directed na naman ako sa voice mail
*beep*
Nang marinig ko ang beep nag iwan na ko nang message
"Good Morning Babe" matapos ko mag salita agad na tumulo ang luha sa aking mata, agad kong pinindot ang end call.
Ito ang bagay na kinasanayan kong gawin, ang tawagan sya sa umaga, pero hindi tulad noon may sumasagot sa mga tawag ko, ngayon ay panay operator lang ang nakaka usap ko kelan mo kaya muling sasagutin ang tawag ko?
Ipinikit ko ang aking mga mata at muling lumitaw sa aking isip ang iyong muka habang sinasabi ang salitang kasing bigat nang bakal kung tumagos sa puso ko
"You have to move-on, please Rica set me free"
Napabangon
*************
'I'm sorry, I'm breaking up with you'
'I'm sorry, I'm breaking up with you'
'I'm sorry, I'm breaking up with you'
Napabangon ako mula sa aking pag kaka higa 'panaginip' ilang beses ko na nga bang paulit-ulit na napapanaginipan at nakikita sa aking isipan ang eksena nung gabing iwan mo ko, pero bakit yung kirot sa puso ko hindi nababawasan?
Bumaba ako at nag timpla nang kape
*ring ring*
Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko Dali Dali kong tinignan ang caller nag babakasaling ikaw, ngunit kagaya nang paulit-ulit na eksenang nang yayari na di-disappoint lang ako dahil hindi naman ikaw yun
Calling..... Ivory
"Hello" walang ganang sagot ko
"Rica pumasok ka raw mamaya sabi ni Nico" bungad sa akin sa kabilang linya, napatingin ako sa orasan na hello kitty sa kusina 1:25 pm kaya pala nagugutom na ko eh
"Sige" matamlay kong sagot, sabay pindot nang end call, nang maubos ko ang kape magluluto na sana ako ngunit biglang may nag doorbell
Dali-dali ko iyong binuksan nag babakasakaling sya kahit alam kong impossible
"Jollibee delivery po, Rica Alvarez" sabi nang mama nainiangat pa ang plastic bag na bitbit nya, katamtaman ang laki ngunit naka plain white T-shirt at pantalon lang sya, parang hindi naman talaga sya delivery boy nang jollibee at isa pa----
"Kaka gising ko lang kuya hindi ako nag pa deliver" sabi ko, Napa kamot sya sa ulo nya
"Kumain na daw po kayo sabi ni sir nico, tapos pumasok na daw po kayo" dun ko lang napagtanto pamilyar sya sakin, tauhan pala nila nico, kinuha ko ang bitbit nya
"Salamat kuya"
"Sige po una na ko" sabi nya, nanlaki ang mga mata ko
"Wag kuya" sigaw ko "bata ka pa"
Natawa sya "ala eh si ma'am patawa"
"Ingat po" sagot ko sabay ngiti
Pumasok ako sa bahay at nagsimulang kumain, tapos agad akong naligo, alas tres nang maka alis ako nang bahay
************
3:30pm
"Bakit ngayon ka lang? Sabi ko alas tres dapat andito ka na" sigaw ni nico sakin
YOU ARE READING
Song of Heart and Mind
General Fictionikaw yung taong ayaw na ayaw akong nasasaktan pero bakit ikaw pa yung nanakit sakin? araw-araw kong idinadaan sa iyak at pag kanta ang mga bagay at ala-ala na aking binabalikan I miss you -Rica
