"Bunso!!!!!!"
Ano ba naman yan ang aga aga ang ingay ni Kuya.
"Hmmm Kuya ang aga aga ang ingay mo naman" reklamo ko sa kanya.
"Bumangon ka na kasi"
"Tinatamad pa kasi ako eh."
"Malelate ka na nyan"
"Bakit may ano ba?"
"May pasok po kaya tayo ngayon!"
"Ay oo nga pala first day of school ngayon," napatayo agad ako ng matapos kong marinig yon.
At tumayo na ako, nang malapit na ako sa pinto bigla ulit nag salita si Kuya.
"oh san ka pupunta?" tanong niya
"sa labas gagayak na"
"oh sige, mauuna na nga pala ako sayo, dahil may dadaanan pa ako sa bookstore mamaya" paliwanag niya
"ah sige Kuya ingat ka po palagi,"
"sige ikaw din bunso."
At lumabas na nga ako at gumayak, umalis na din si Kuya.
Kung nagtataka kayo kung sino ako, pwes magpapakilala ako sa.inyo.ngayon. haha
Ako nga pala si Chloe Soriano, 16 years old, and 4th yr. high school sa Saint Jude Academy. Popular ako sa school na yon dahil ako ang isa sa leading top students at running for the place of being a valedictorian. Pero hindi ako nag aasam na magiging valedictorian this coming March dahil since 1st year consistent ako bilang 2nd honor lang, but I tried my best pa din naman.
Matapos kong gumayak, kumain na muna ako , at dahil maaga pa naman nag urong muna ako ng mga pinag kainan namin ni Kuya at idinamay ko na din ang pagwawalis sa aming munting bahay.
Wala kasi ang mga parents namin dito, pareho kasi silang nasa Canada para mag work don as an OFW. Kaya nga nag aaral ako ngayon ng mabuti para masuklian ko man lamang ang mga sakripisyo nila sa para sa amin ng Kuya ko.
After 10 mins. na paglilinis ay naka yari na din ako, at pumasok na.
Sumakay ako sa tricycle for just 15 mins. para makarating sa school namin.
Agad akong bumaba sa motor at pumasok sa school at naglakad muli upang makarating na ako sa classroom namin.
Excited ako ngayon pumasok kasi this is our first day of class after the 2 weeks sembreak namin.
