Ako si Athena Miller isang babaeng kung tawagin nila'y tanga tanga,bobo o martyr.
Masakit man at mahirap man tanggapin.
Alam kong ganun nga ako pag dating sa pag-ibig.
Mahirap naman kasi talagang diktahan ang puso natin.Kung ano sino man ang mamahalin nito ay yun lang yun kahit sarili mo hindi kayang labanan iyon.
Pilit man akong umiwas,ngunit hindi ko magawa sa tuwing nakikita ko siya kahit pa tuwing titignan mo ang mga mata niya ay makikita mo ang sakit at galit niya sa mundo ay hindi ko pa rin mawaglit siya sa isip at puso ko.
Totoo lang sobrang sakit na nitong nararamdaman ko pero pilit ko parin tinatapalan ng gamot ang sakit sa puso ko.
Sa araw araw na magkasama kami ay parang sinasaksak niya ang puso ko ng paulit ulit.
Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya ko napapatay at hindi niya ko tuluyang nakikitang sumusuko na.
Nagmahal lang naman ako ng maling tao.
Yung taong nuknukan ng gwapo at sex appeal pero manhid at walang puso.
Ang hirap magmahal ng taong sa iyo lahat ibubuntong lahat ng sama ng loob niya sa mundo.
Lahat ibinigay ko pati sarili ko para lang maramdaman niya na mahal na mahal ko siya.
Pero kulang pa rin.
Sa pitong taon naming magkasintahan ay parang ako lang ang nagmamahal.
Alam kong ako ang may kasalanan dahil ako ang nagbibigay ng motibo sa kanya.Hindi ko man alam kong bakit ko nagagawa ang mga bagay na iyon.
Tinuring akong pinaka matalino sa amin magkakapatid,and yet pag dating sa pag ibig ako ang pinaka bobo.
Kaya napagisipan ko na ito.Ito na ang tamang pagkakataon habang maaga bago pa ako tuluyang lumubog.
Kailangan ko ng umaahon ng dahan dahan.
Dahil hindi ko parin alam kong hanggang kelan ba ko magmamahal sa taong hindi ako magawang mahalin.
Sa taong iisa lang ang minahal sa taong paulit ulit akong sasaktan at sa taong hindi kayang alagaan ang puso ko.
Siya si Tyron Santillan ang lalaking mahal ko.
Pero mahal ko lang,dahil may iba siyang mahal kahit pa ako ang kasintahan niya.
Okay lang naman sakin iyon.Dahil umaasa ko na makakalimutan niya din iyon.
Sa halos pitong taon namin pagiging magkasintahan unti unti din siyang nagbabago.
May pagkakataong inaaya niya kong magdate kami kahit parang wala lang yun kasi ng tahimik niya ni ngumiti hindi niya magawa.
Para sakin iyon ang mga panahon na unti unti akong nagkakaroon ng pag asa na mamahalin niya din ako.
Pero hindi ko inaasahan na iyon din pala ang panahon na tuluyan na kong mawawasak.
At iyon din ang panahon na darating ang taong kinatatakutan ko.
Skilled assassin ako at wala akong kinatatakutan lalo na pagdating sa kalaban nakakainis man isipin pero itong taong ito ang nagpapadama sakin ng takot sa buong buhay ko.
Alam kong kahit anong sandata ang gamitin ko sa kanya wala akong panlaban.
Na kahit bugbugin ko siya ay ako pa rin ang masasaktan.
Hanggang kelan ba ko lalaban?
KAMU SEDANG MEMBACA
Scar
Fiksi UmumATHENA MILLER BOOK III You cut me deep,It hurts to feel It's taking time,but wounds they heal. Now you're just a scar ,a story to tell Such an ugly mark,I wear it so well. Now you're just a scar,a time that i fell for someone who did'nt love me w...
