two

6.1K 314 46
                                    

Magkasama na kami ngayon dito sa kwarto at hanggang ngayon hindi pa rin ako makatingin ng tuwid sa kanya. Pinamumulahan pa rin ako ng mukha kapag naaalala ko yung nangyari kanina.

Shiitt naman kasi. Bakit nya binuksan ang pinto, kung kelan feel na feel ko ang pagsandal doon. At bakit naman sya tatanga tanga at lalampa lampa. Kung bakit ba naman eh natumba din ang loko, ayun tuloy biglang napa face to face ako tagakalat ng lahi nya.

Hingang malalim, sabay tutok ng mata sa laptop. Sige lang Maine, trabaho ka lang.

"Miss Mendoza? Ano yang tinatype mong talong? At bakit may scrambled eggs dyan sa report na ginagawa mo? Hindi ako aware na restaurant na pala itong company ko." Nagulat ako ng bigla syang magsalita sa likuran ko. Bakit hindi ko namalayan ang pagtayo nya...

Nang lumingon na ako, napalunok akong bigla. De puga! Hindi pa ba sapat ang interaction ko sa talong kanina? May second round pa? Tama bang nasa line of sight ko ang maumbok na yun?

Ayan naisip ko na naman ang nangyari kanina. Naisip ko na naman kung paano ko napisil pisil ang bagay na yun..

"Miss Mendoza, I'm asking you."

"Sir naman, huwag kayong ganyan. Marupok po kasi talaga ako."

"What are you saying? At bakit pawis na pawis ka? Are you sick?" Akma nyang hahawakan ang leeg ko ng bigla akong umiwas.

"No sir, okay lang po ako. Baka po naiinitan lang ako kaya pinagpapawisan ako." Paliwanag ko pa.

"Is that so? I-on ko na lang ang aircon."

"Okay lang ako sir, di ba nga cost cutting tayo?" paalala ko pa.

"Naiinitan na rin naman ako, hindi naman siguro masama na i-on ko ito, besides mas malaki ang magiging problema kapag nagkasakit tayo." Ayun lang at tumalikod sya at naglakad papunta sa aircon.

Habang nakatalikod, hindi ko na naman naiwasang pagmasdan sya. Kagat labing pinagala ko ang mga mata ko sa hubad nyang likuran pababa sa may pwetan..

"Yum!" Hindi napigilang sabi ko na may halong panggigigil, kaya naman napaharap sya bigla..

"Anong sinabi mo Miss Mendoza? And what's with that lip biting? Are you trying to seduce me?"

Unti unting syang lumalapit sa kinatatayuan ko habang ako paatras ng paatras hanggang sa muli akong napaupo.

Nang padukwang na sya sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Sir, huwag po. Huwag mong gawin ito sir, ginagalang ko po kayo. Hindi ko po maipapangako sa sarili kong kaya ko kayong hindian. Huwag nyo po akong subukan sir. Huwag nyo pong subukan ang pagtitimpi ko. Marami pa pong umaasang bibig sa akin. May pinapaaral pa po akong mga kapatid. Huwag po sir!" Tuloy tuloy na sabi ko.

"Miss Mendoza? Anong nangyayari sa iyo? Anong pinagsasabi mo? Anong tinira mo?" Akala mo gulong gulong sabi niya.

Napatuwid tuloy ako ng upo. Tinira? Di ba hindi pa ako tinitira? Titirahin pa lang nya? Napatunganga lang ako sa gwapo nyang mukha.

"Sir, ano po ba ang ginagawa nyo? Bakit palapit na kayo ng palapit sa akin, tapos dudukwangin nyo pa ako? Huwag po sir, hindi ko po kayo kayang hindian."

Napailing iling sya, tapos in-extend nya ang kamay nya. "Kukunin ko kasi ang polo ko, ayan nasa sandalan ng upuan mo. Tsk tsk tsk. Maybe you are tired Miss Mendoza." At isinuot nya nga ang polong sinasabi niya. "Umuwi ka na. Bukas mo na lang ituloy ang tinatapos mo. Hindi naman masyadong urgent yan."

Whhattttt? Hindi urgent? Eh bakit ako pinag overtime?

Kung kanina pinagnanasahan ko sya, bumalik na naman ang pagka asar ko sa kanya.  Grrrrrrrrrr! Lintik lang ang walang ganti!!

MARUPOKWhere stories live. Discover now