Mea Lao ... Ako yun 17 years old nag iisang anak ang mama ko nag tratrabaho sa ibang bansa. Ang papa ko naman ang kasama ko sa bahay.
Dahil mag isa lang ako wala akong mapag sabihan ng problema ko sa kahit saan sa school, girl things, at sa bahay. Ngayon na kakulong lang ako sa apat na sulok ng aking silid akap-akap ang paborito kong unan.
Ang unan lang atang ito ang nakakaalam ng lahat saakin. At ang sumasalo sa mga luha ko ngayon. Bakit nga ba ako umiiyak?
"Diba pinapaayos ko sayo ito ha! Nandito parin nag walis kaba ng lagay na yan! Punyeta naman ohh!"
"Diba sabi ko mag lagay ka ng katol sa kuwarto ko! Bakit nilagay mo sa sala hindi ko alam kong bingi ka ohh ano e!"
"Ano bayan unahin mo yung katol punyeta! May hawak kang katol tapus may hawak kading pag kain!"
"Tignan mo ohh nakaawang ikaw may kagagawan nyan e! Kaya may lamok na nakapasok e!"
"Yung maso inutos ko sayong ibalik mo sa pinaglalagyan kinalimutan mo! Hindi ko maintindihan kong ulyanin ka oh ano e kabata bata mo ulyanin ka!"
Si papa yun kanina haha mukhang maliit na bagay lang no iniiyakan ko pa pero hindi yun ang puno't dulo ng pag iyak ko. Halos isang buwan na akong hindi pumapasok sa iskuwela dapat ilang buwan nalang mag grade 12 na sana ako. Pero pinatigil ako hindi mali hindi na ako pinapasok dahil sa away nila ni mama.
Nag simulang mag kandaletche letche ang buhay ko nung araw na yun.
Flashback
Kauuwi ko lang galing sa school na pinapasokan ko may bitbit na isang dosenang fried somai na paborito ko baka gusto ito ni papa. Napangiti ako sa naisip at dali daling pinatigil ang tric. Na aking sinasakyan nakita ko si papa nasa may pathway papunta sa kubo mukhang may kausap siya sa telepono. Kaya dumaretcho nalang ako sa loob ng bahay.
