"Alam ko na mahirap paniwalaan ang kinahantungan nating dalawa, lalo na sa mga taong nakapaligid satin, sa mga magulang natin both sides, sa mga kaibigan natin at syempre sating dalawa.
Siguro pinagtagpo lang talaga tayo pero di tayo itinakda. Alam kong mahirap, sobrang hirap pero wala na tayong magagawa kung tadhana na ang naglayo sa atin. Malay mo sa takdang panahon mahanap mo rin ang babaeng itinakda sayo pati na rin ang lalaking itinakda sa akin.
Lagi mong tatandaan lahat ng paalala ko sayo at huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita, sobra.
At kahit wala na ako sana maging matatag ka para sa sarili mo" Paulit ulit na binabasa ito ni Aaron kahit na isa't kalahating taon na ang nakalipas buhat noong nakipaghiwalay sa kanya si Elisse Enriquez
"Elisse bakit mo ko ginaganito? Ugh" Inis na sabi ni Aaron sa hangin sabay sabunot sa sariling buhok
"Kelan ka ba babalik sakin? Alam mo bang miss na miss na kita?" Pahayag niya habang binubuklat ang mga photo album nila ni Elisse.
Simula nung makipag hiwalay si Elisse ay nawalan na ng buhay ang binata, parating matamlay, madalas ay may blankong ekspresyon ang mukha. Labis siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Elisse dahil wala manlang silang "CLOSURE" kung baga
*knock.knock"
Pagkapihit ng door knob ng pintuan ni Aaron ay pumasok si Alliyah ang pamangkin nito
Pilit siyang ngumiti upang ipakita sa pamangkin na ayos lang siya kahit ang totoo ay hindi
"Tito Daddy umiiyak ka nanaman?" Inosenteng tanong ng pamangkin niya
"Huh? Hindi kaya! Napuhing lang ako" sagot naman ni Aaron.
Ayaw kasi nitong makita ng pamangkin niya na umiiyak siya
"Tito Daddy tara punta tayong park I want to play with the new neighbor" pag yayaya ng pamangkin
'New neighbor?' Ang nasa isip niya at naisip rin niya na baka sila Elisse iyon dahil may kapatid rin ito
Napa iling na lang siya at tumayo nong pinitik siya nang pamangkin
***
Aaron's POV
Kasalukuyang nandito kami sa park ni Alliyah at nakikipaglaro sa mga kapitbahay namin
*beep*
From: Darwin
Brad tara dito samin kumpleto ngayon ang tropa
To: Darwin
Pass muna ko Brad kasama ko si Alliyah ngayon
From: Darwin
Wala ba si Ailene sainyo?
Nagtatype nako nong tumawag si Darwin
"Brad ang daya mo" si Darwin at nag second voice naman ang mga katropa namin
"Pasensya na guys kasama ko si Alliyah eh, babawi ako next time" pagpapaliwanag niyo
"Wala ba dyan si Ailene"
"Wala pumasok sa opisina"
"Ipabantay mo na kay Tita yan" pangungulit ni Darwin
"Oo na sige, titignan ko kung papayag si mama"
"Papayag yan! Paborito niyan si Alliyah eh" Si Darwin
*Call Ended*
"Alliyaaaaaaah" Sigaw nito si pamangkin at dali dali namang lumapit
"Bakit Tito Daddy?"
"Uuwi na tayo little girl, may pupuntahan pa ako eh"
"Can I come?" Pagtatanong ng bata na may maamo pang mukha
"No you can't"
"But why?"
"Kasi bawal ka don. Kay Mamita ka na muna"
Hinatid ko na siya sa bahay
"Saan ka pupunta Aaron?"
"Kila Darwin lang ma"
"Bukas ka na umuwi, ayokong makita ka ni Alliyah ng naka inom" si mama
"Sige ma thank you" ako sabay beso kay mama at sumakay na sa motorbike ko
***
"Brad nakarating ka!" Bungad sakin ni Darwin ng makita ako sa labas ng unit niya
"Uy Aaron andyan ka na pala!" Si Kath na girlfriend ni Darwin
"Brad oh" si Cyrus sabay abot ng beer in can
"San mo pala iniwan si Alliyah?" Tanong ni Sab
"Iniwan ko kay mama"
At iyon nag karaoke kami tas nag movie marathon tas inuman, tawanan, kwentuhan
Nag catch-up din kami sa mga nangyari sa barkada, ang tagal ba naming di nakapag hang-out ng ganito
Past 9 na nung matapos kami mag-inuman taob na lahat ng babae kaya binuhat na namin sila isa-isa papasok sa kwarto ni Darwin at kaming mga lalaki ay magluluto't magliligpit
Ngayon ay kasalukuyan kaming nasa kwarto dahil inaayos namin ang higa ng mga babae hanggang sa
"A...ar....aaron vu.....vhumalhik na shiiiiiii veve gurl" Lasing na sabi ni Janice
"Ano Ja?"
"Vhumalhik naaaa" si Janice sabay hagulgol at tulog
Natulala ako doon panandalian
"Ron wag mo isipin yung sinabi ni Jaja lasing na yon" Saad ni Patrick
"Oo sige pre una na ko sa kusina" Ako sabay tungo sa kusina
YOU ARE READING
Dating Tayo
Teen FictionPaano kung isang iglap ay nawala ang taong pinaka mamahal mo At yung tao na iyon ang buhay mo Yung tipong kahit anong paglilibang ang gawin mo ay di mo siya kakalimutan At yung tao na yon ang unang nagturo sayo kung paano mamahal Kamumuhian mo ba si...
