SUNOG ! ! !

133 3 0
                                    

KHAILA'S P.O.V.

Feeling ko ayaw kong gumising sa pagkakatulog ko. Ikaw ba naman kasing managinip ng napagatagal mo ng winiwish. hay naku!

Pero gumising parin ako kasi nga may pasok pa ako. Kakatamad ngang pumasok eh (oh! walang aangal halat ng students ganito. hahaha)

-----school-----

Yun yon ang ganda ng simula ng araw ko. Pagdating na pagdating ko sa school si Liam agad yung nakita ko. WEHW. ^_^

Ang ganda naman talaga ng sasakyan nya. Hay naku! Kelan kaya ako makaka sakay dyan?

Anyways. Pumasok na ako sa classroom ko.

Well, first year college na ako. Hmmm . . .  Hotel and Restaurant Management ang kinuha kong course. (eh sa maganda pakialam ba nila. ^_^)

(hahaha. Same nga pala kami ng course ng CRUSH ko! WOHW! -share lang po- Eto pa same din kami ng school nung high school kaso ako dun na ako nag first year hanggang sa grumaduate sya naman dun lang nagfourth year. -oh diba??- haha.)

Nasa room na ako at ang unang unang subject namin? hmmm.... subject lang naman na ayaw ko FILIPINO. Ang boring kaya ng subject na yan. (sorry lang po sa may mga gusto ng subject na filipino. \\//peace^_^).

Ang tagal naman talaga matapos ng araw.

Kakatapos ko lang maglunch at nasa INTERNET LABORATORY ng school ako ngayon.

Naglalaro ako para pampalipas oras lang.

Tapos biglang ngring cellphone ko. ( oh my! nakatingin silang lahat sa akin. Ikaw ba naman ang makarinig ng cellphone na nagriring tapos ang tahitahimik pa ng INTERNET LABORATORY! kakahiya naman!)

Lumabas ako para sagutin yung call.

( si papa tumatawag?? hmmm?? anong meron??)

"Oh! Pa! Bakit po?"

"Umuwi ka na! Ngayon na!"

"PO?"

"Bilis na! Nasusunog ang bahay!"

"HO??? OPO OPO!"

Nalintikan na! Anong nangyari? Bat nasunog?

Nagmadali akong pumunta sa bahay!

Pagdating ko sa bahay, nasa labas sina Papa, Mama at Jeremy. Lumapit ako sa kanila.

"Anong nangyari? Bat nagkasunog?"

"Eh nagluluto kasi ako tapos naiwan ko saglit kasi may tumawag sakin!" Hay naku Jeremy!

"Panu na to Bert? San na tayo titira nito? Natupok na ng apoy ang bahay natin!" si mama talaga kahit na malungkot na nga ang sinasabi parang wala parin kaexpreexpression ang mukha. Bilib naman ako dito kay mama. hahaha. ( nakuha ko pang tumawa sa nangyari ha??)

"Tatawagan ko nalang siguro si June!" (si Tito June lang naman yun best friend ng papa ko at ang alam ko, may nag iisang anak syang lalaki na kahit kelan di ko pa nakita.)

"Pa? Di ba nakakahiya naman kung kanina Tito June tayo makikituloy?"

"Mikaela kapalan na muna natin mga mukha natin ngayo okay? Wala na tayong ibang choice!" si papa naman! tinawag nanaman akong Mikaela! (PA! KHAILA! KHAILA! MIKAELA KHAILA SANCHEZ nga diba? pwede bang KHAILA nalang? haha.)

Secret Love Ng Taong TakotWhere stories live. Discover now