Sabi ni Google, ang forever ay isang adverb o pang-abay na ang ibig sabihin ay for all future time; for always, for a limitless time, sa Tagalog, magpakailanman o kung ikukumpara mo sa isang kanta, sa dulo nang walang Hanggan.
Madalas ding ginagamit ang salitang ito sa paghihintay mo sa traffic, "May forever talaga sa Edsa." Sa kaibigan mong kanina mo pa hinihintay, "Ano? Forever na ako dito sa food court! Nasaan ka na?"
Pero mas sumikat ang salitang forever noong ginamit ito para gawin label sa isang relasyong magtatagal ba o hindi. Kapag nagtagal, mayroon. Kapag hindi naman, ihanda mo na ang timeline mo sa Facebook sa mga kaibigan mong walang ginawa kundi ang i-share ang mga qoutes na nakikita nila. Mga qoutes na mas mapait pa sa kapeng walang asukal.
Pero sa mga taong naagawan ng forever, baket ang hirap nang maniwala uli? Baket napakahirap nang bumangon sa pagkakadapa dahil sa hindi pagsalo sa'yo noong na-fall ka? Baket ang hirap mag move on? Baket naimbento pa 'yang forever na 'yan?
VOCÊ ESTÁ LENDO
WALANG FOREVER 😀😀
Ficção AdolescenteNoong nakilala kita, sabi mo sa akin, forever na tayong dalawa. Minahal mo ako. Minahal din kita. Pero dumating ang araw na parang biglang nagbago ka, ang dating tayong dalawa ay napalitan na ng "Sorry. Ayoko na." Kaya huwag mong sabihin bitter ak...
