Naririnig Mo Ba ( Juie Anne San Jose)

2 0 0
                                    

Parang kailan lang
Ay labis na akong nasaktan

Pinilit mang kalimutan ang nakaraan
At maghilom ang pusong sugatan

Nang ika'y dumating
Paglipas ng araw ay kasabay ng hangin

Naglalaro sa isip
Susubukan nalang ang sarili na muling magmahal

Ang tanging hiling ay iyong mapansin
Itong pagtingin at damdamin sana'y tanggapin

Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat

Pwede bang ikaw nalang ang papawi sa mga luha
Marahil nga ikaw ang tibok ng puso

Naririnig mo ba?

Hayaan na bigyan
Ng kulay ang bawat patlang
At sa pagguhit ng tadhana

Di alam sa'n mapupunta
Naglalaro sa isip
Susubukan nalang
Ang sarili na muling magmahal

Ang tanging hiling ay iyong mapansin
Itong pagtingin at damdamin sana'y tanggapin

Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw
Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat

Pwede bang ikaw nalang ang papawi sa mga luha
Marahil nga ikaw ang tibok ng puso

Naririnig mo ba?

LyricsWhere stories live. Discover now