Susulat pa ba?

97 3 0
                                    

Sa dami ng dapat isipin

Sa dami ng dapat gawin

Isa lamang ang aking nasa isip

Kung magsusulat pa ba o hindi

Ang dami kong tanong

Ang dami ding dapat na sagot

Pero ano na nga ba

Susulat pa ba o nganga na lang?

Ano ba ang basehan sa pagsulat?

Ano bang 'teknik' ang gagamitin?

Paano mo ba sisimulan?

Paano mo bibigyan buhay?

Marami ka ng 'plot'

Biglang naging 'sabaw'

Nasa isip mo na ang lahat

Tinamad ka lang i-type

Marami ka ng ideya

Hindi mo lang mapagsama-sama

Kaya sa huli ika'y mapapaisip

'Magsusulat pa ba o nganga na lang?'

P.O.E.M.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon