Tula 23: Selos

286 5 0
                                    

Mahal hayaan mo akong isulat ang istorya nating dalawa
Sa isang blankong pahina kahit itoy madumi na
Parang yan ang pagiibigan nating dalawa
Na ipinagpatuloy natin kahit may umaaligid na iba

Ngunit bakit parang ako lamang ang kumikilos sa relasyon natin
Na kahit bundok ay aakyatin
Dagat man ay tatawirin
Tumibay lang ang relasyon natin

Dumating syang muli, oo ang iyong babaeng pinakamamahal
Ng nanggaling sa iyong nakaraan
Ngunit bakit nakita ko ang bakas ng iyong panghihinayang
Kahit na sinabi mo na ako at ako lang ang iyong mahal

Ewan ko, ano itong nararamdaman ko
Tuwing nakikita kitang kausap siya sa telepono
Bakit parang naiinis ako, umiinit ang aking dugo
Tanong sa sarili, Selos nga ba ito?

Sabi nila normal sa tao ang magselos
Kahit pakiramdam ko na ako ay nakagapos
Dahil sa mga sakit na sa puso ay tagos
Kasabay ng mga hiningang kinakapos

Nakaramdam ako ng takot
Takot na dahilan ng pagkabasa ng aking unan at kumot
Na dahilan ng madalas kong pagkayamot
Na nagsasabing lambingin mo naman ako


Oo tiwala at tuon ng pansin ang kailangan natin
Ang nasa paligid ay dapat dedmahin
At sa isat isa ituon ang ating pansin
Upang mas tumibay ang relasyon natin


Ang pagibig ay parang pagkain
Na para lalong lumasa ay kailangan ng paminta at asin
Na simbolo ng ating tiwala at pagtuon ng ating pansin
Dahil kung wala iyan ano ng mangyayari sa atin

Ang selos ay parang betsin
Na pampasarap din sa pagkain
Kaya ang iba ay ito ang pipiliin
Kahit na nakakasama sa kalusugan natin

Oo aaminin ko nagseselos ako
Na tuwing hawak mo ang kamay ko, siya ang nakikita mo
Masakit para sa akin na ako ang kasama mo ngunit siya ang nasa isip mo
Na tuwing ako ang yakap mo, pangalan niya ang binabanggit mo

Ako ang sinasambit ng iyong bibig
Ngunit ang puso mo siya ang pinipintig
Di ko alam kung bakit pa itong tinawag na pagibig
Kung ako ang kasama mo at sya ang yong himig

Nagseselos ako ngunit di ko maipakita
Kase alam kong sa paraang yan dyan ka sasaya
Para saan pa ang salitang "Mahal kita"
Kung hindi ko maibigay sayo ang kaligayahan na gusto mong matamasa


Mas mabuti pang tumahimik na lang
Dahil pag ako'y humadlang
Alam kong gagawa at gagawa sila ng paraan
Para maging dahilan na akoy iyong iwan

Nagpakatanga ako sa harap ng madla
Dahil para sayo ako'y nagpakaalila
Na di ipinagkait ang iyong laya
Kasabay ang mga katagang "Mahal na mahal kita"

Mahirap para sa akin na tanggapin
Ang katotohanang siya at siya parin
Mahirap para sa akin na ang selos ay alisin
Ngunit hanggang makakaya ay aking titiisin


Selos na muntik ng sumira ng relasyon natin
Selos na kahit ang katotohanan ay aalamin
Selos na nakapagpadagdag ng iisipin
Na kahit kailan ay di ka naman naging akin

Pahayag ng Damdamin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon