- Alicia's POV -
miss ko na sya, miss ko na ngiti nya...
miss na nya ba ako?
Inaamin ko, di pa ako nakaka move-on kay Jake.
Sino ba ang makakamove-on eh naging kami for 2 years, 2 months?
Pag mahal mo talaga ang isang tao, di mo talaga kayang pakawalan. Eh ano pa ba ang magagawa ko? Di na nya ako mahal. Ipipilit ko pa ba sarili ko sa taong hindi kayang ibalik ang pagmamahal ko?
Sa sobrang sakit, naalala ko pa nga ang exact moments ng nangyari...
( 3 months ago... )
From: pinakapoging jake
Alicia, let's meet. ********* mall. 7pm, sharp.
■
To: pinakapoging jake
Huh? Nag work pa ako baby ko. Pero kailangan ba? Pwede naman ako tumakas for you babes.. hehe
■
From: pinakapoging jake
Need.
■
To: pinakapoging jake
Okay baby ko! Sana surprise yan hehe.. love you!
(********* mall // 6:50 pm)
nasaan kaya sya? Wala namang sinabi kung saang parte ng mall eh.
To: pinakapoging jake
Baby ko, saan tayo meet? Dito na ako sa mall.
■
From: pinakapoging jake
Wait for us, tapat ng parking lot. Don't reply back.
■
Ay wow! Bossy ah.. pero us? hmmm.. sino kaya yung isa?
-----
"Alicia!"
Lumingon ako, sa aking kinakagulat, si jake. Kaso... may kasamang ibang babae.
"hello baby ko!" *hugs*
"Please alicia, wag mo na akong tawaging baby, wag mo na akong i kiss."
"Huh? Bakit naman? May germs ba ako? Wala naman ah!"
"Wala kang germs alicia. Wag mo na akong tawaging baby. Kasi iba na baby ko.. kasi baby ko na ay sya" tinuro nya ang kasama nyang babae.
naguguluhan ako, please... sana joke lang toh
"Baby, di magandang biro yan. Nag jojoke ka lang naman diba? diba?" Napapaluha na ako...
"Sorry alicia. But I'm not joking. Nahihiya na kasi ako kapag kasama kita. Palagi akong inaasar kung bakit ang girlfriend ko di sexy, di flawless. Sorry alicia, pero nakakahiya kang kasama. Sorry, goodbye"
Yun ang huli nyang sinabi saken bago syang lumakad palayo saken... kasama ang kanyang bagong "baby".
Napaluha ako noon, sa sobrang sakit... sabay umulan pa. Saklapan ba kamo?
(Present)
Masakit man, kailangan kong tanggapin. Pero palagi kong inaalala ang kanyang sinabi, na nakakahiya akong kasama. Oo, totoo, tanggap ko.
Pero pag naaalala ko ang memories namin, naiiyak ako. Peke lang pala ang pagmamahal nya saaken noon. Napaka bulag ko naman. Lecheng luha na toh.
"Umiiyak ka nanaman ate? Tssskk. Tanggapin mo kasi na panget ka! HAHAHAHA" lecheng kapatid na toh. Dahil lang gwapo sya, wala syang karapatan sabihin akong panget noh!! kahit totoo, dapat magalang sya!
"Tumahimik ka nga Kenneth! 2 year highschool ka palang! Ako 4th! Kaya dapat marunong ka gumalang!" Pero walang hiya... di nakinig tong kapatid ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Sa'yo lang
Fiksi RemajaMeet Alicia Cruz, ang isang babae na hopeless sa relationship. Heartbroken, di maganda, di flawless, di sexy... DATI. Eh paano kapag lahat ng di maganda sakanya, ay naging maganda na? Dahil sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Santiago, naging kakai...
