Chapter II

91 6 0
                                    

"Enzo, may tanong ako,"

"Ano yun?"

"Nagbabasa ka ba ng Wattpad Pocketbooks?"

Muntik na niyang maidura ang iniinom niyang tubig.

"Ano bang klaseng tanong 'yan, Maxeen?"

"Bakit? May masama ba sa tanong ko?"

"Oo. Lalaki ako tapos tatanungin mo ako kung nagbabasa ako ng mga pambaklang libro na 'yan?"

"Bakit? Wala bang possibility na mangyari 'yon?"

"No! There's no way for it to happen! Nakakadiri! Pangbabae lang yun eh."

"Ah. Ganun ba? Hm...hindi ba talaga pumasok sa isip mo na magbasa ng-"

"Hindi nga eh! Nanlalait ka ba, ha, Maxeen?"

"Ah. Hindi. Hindi. Nagtatanong lang talaga ako. Sorry,"

Narinig ata ni Alex 'tong sigaw ni Enzo kaya napalingon siya sa 'min pero nang magtama ang mga mata namin, bumalik siya sa kung ano 'ng ginagawa niya.

Ano ba yung ginagawa niya?

Base sa movement ng mga kamay niya, nagii-scroll siya ng phone niya.

Ano kaya ang ginagawa niya run?

Hm...siguro, nagbabasa siya ng wattpad dun?

Hah. Hindi talaga ako makapaniwala. I mean, oo. Pwede namang magbasa ang mga lalaki ng isang wattpad book 'di ba? Pero kung pakaiisipin, gaya nga ng sabi ni Enzo, ang weird nun. To think na She's Dating the Gangster pa ang binabasa ni Alex kahapon and to think na ang isang tao pang gaya ni Alex ang hapit na hapit na tapusin yun no matter what.

Hindi ako yung taong nagju-judge kaagad ng kapwa ko kaya sinasabi ko na lang sa sarili ko na huwag kaagad magbigay ng malisya sa nakita ko. Baka naman kasi na-trip-an lang ni Alex na magbasa at nagandahan siya run 'di ba? O kaya naman may gusto siyang malaman sa libro na yun.

Pero hindi pa kasi ako nakakita ng lalaking nagbabasa ng ganun sa tanan ng buhay ko kaya ang weird sa 'kin. Hindi ko tuloy maiwasan na i-judge siya kahit ayaw ko.

"Alex, sabay ka sa 'ming kumain mamaya?"

Ayan na naman ang mga malalanding buntot nang buntot sa kanya. Hindi ba sila nagsasawa?

As expected, sinamaan na naman sila ng tingin ni Alex, "Kailan ako um-oo na sumabay sa inyo? Sandali nga lang. Bakit ba hapit na hapit kayong kumain kasabay ko, ha? Dahil gwapo ako? Dahil mayaman ako? For about how many days niyo na akong inaalok n'yan, ni minsan ba sumabay ako? Hindi. Because I knew that you are all leeches. Leeches who kept sucking on money and looks. You are all pathetic or let me say, bitches. Hah. You're all trash in this school that needs to be stepped on because you don't deserve to be in it,"

Napabuntung-hininga na lang ako. Nagsisimula na naman siya.

Kasabay nito ang pagsisimula ng mga tsismisan.

Tama naman ang sinabi niya. Mabuti lang yun sa kanila kasi sunod sila nang sunod sa taong ayaw naman sa kanila pero hindi ko rin maiwasan ang maawa. Pwede naman kasing hindi ipagsigawan ni Alex yun sa buong klase. Sobrang nakakahiya yun.

"Hey! What gives you the right to say that? Porke't mayaman ka lang at gwapo, napakayabang mo na? Oo! Nilalapitan ka namin because we want to suck on your looks and money but that doesn't mean na pwede mo na kaming pagsalitaan ng-"

"Woah. I have the right to say that because it's the truth. Why don't you ask everyone here in the class? I'll bet that they'll also say their impression to you just like I said,"

The Other Side of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon