Two

12 0 0
                                    


Chapter Two

Maaga ako gumising para makasabay ako sa mga bata. Nakaready naman na lahat ng gamit ko. Hindi rin nagtagal ay sinundo na nila ako. Sa umaga pala ay hinahatid sila ng kuya nila na taxi driver kaya sinabay na din nila ako. Medyo suplado yung kuya nila kasi di niya ako kinakausap eh. Bumaba na ako at nagpasalamat sa kuya nya, tumango lang ito sakin. "Naku ate, ganon lang talaga si kuya mukang masungit pero mabait yan tska sweet. Baka kailangan nya lang ng lovelife." Sabay kindat sakin, ano naman meaning ng kindat nya sakin. Tinuro naman sakin kung saan yung opisina para magapply.

"Hello, ako po si Stephanie Rivera mag-aapply po sana ako as a teacher". Pinatuloy naman ako ng secretary sa office ng principal. "Naku, ikaw ba yung sinasabi ni Nanay Maria? Saktong sakto naghahanap kami ng teacher sa Math para sa highschool. Wala kasing tumatagal dahil mga pasaway eh." Napaka-swerte ko nga naman. "Kaya lang kapag di mo kaya sabihin mo sakin kasi buntis ka baka mapano pa yung baby mo." Dagdag pa ng principal. "Ay kayang kaya ko po yun Ma'am. Malakas si baby". Ngumiti sya sakin at nagbigay na ng papers. Magsisimula na din ako bukas na bukas kaya naman dapat makauwi na ako ngayon at makapag-gawa ng lesson plan. Sana mapatino ko sila.

Wala naman masyadong nangyaring kagabi kasi nagfocus ako sa lesson plan ko atleast matapos ko kahit papaano yung whole week man lang. First day ko today, so hopefully maganda ang itrato nila sakin.

Ganon pa din ang ugali ng mga studyante ko, matitigas pa din ang puso. Paano ko kaya sila mapapatino, akala yata nila ay may pamilya na akong tao. Ilang buwan na din kami magkakasama, buti napagtyatyagan ko pa.

"Good morning everyone" bati ko sakanila ngunit di nila ako binati. "Ngayon araw, di tayo magaaral sa class ko. Gusto ko kayo makilala at gusto ko makilala nyo din ako. Sino gusto mauna?"

"Eh bat hindi ikaw ang mauna tutal ikaw naman nakaisip" nagtawanan naman ang buong klase dahil sa sinabi ng lalaki. Ngumiti ako ng pabait dahil parati na lang nila ginagawa ito sakin.

"Alam nyo ba na kaya ako naging teacher kasi nagsumikap ako dahil ito ang gusto ng nanay ko. Lumaki akong wala ang tatay ko at namatay ang nanay ko bago ako makagraduate, pero summa cum laude ako." Halos lahat naman sila di nakikita pero pinagpatuloy ko pa din. "At ito ako ngayon nabuntis ng lalaking di naman pala ako kayang panindigan." Tumayo ang isang babae, "Alam mo, like mother like daughter pala kayo ng nanay nyo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ko dahil anong ibig nyang sabihin doon.

"Si Ma'am kunwari pa, parehas kayong malandi." Nagulat ako sa sinabi nya, lalapitan ko sana siya para pagsabihan ng di naririnig ng halos lahat ng studyante sa room, pero ang babaeng nasa unahan nya ay pinatid ako kaya ako ay nahulog sa sahig. "Argh! Ang sakit ng tiyan ko." Pagkatingin ko sa ibaba ko ay may nakita akong dugo, "AAAAHHHHH ANG BABY KO!" nakita ko naman nagpanic ang mga studyante at tinawag ang pinaka malapit na teachers. Hindi na nagtagal ay bigla na lang dumilim ang paligid ko.

Pagkagising ko ay nasa clinic ako ng paaralan, nagpanic ako dahil naalala ko ang dugo at ang baby ko. "yung baby ko po?" tanong ko sa doctor doon. Pinaliwag naman sakin na healthy baby girl ang dinadala ko. Malakas naman daw ang pagkapit nito sakin kaya safe na daw ang baby.

Hindi muna ako pinapasok ng principal at mag-maternity leave na muna ako at baka mapano pa daw ang baby. Hindi na din ako humindi dahil sabi nga din ni Nanay na ilang linggo na lang pwede na ilabas ang baby ko. Parati lang ako nasa bahay, minsan nga naisipan ko magbake. Nahiligan ko magbake ng kung ano ano kaya naman tuwing uuwi ang mga apo ni Nanay ay may meryenda silang cupcake.

"Masarap ka pala gumawa ng mga ganito. Bakit hindi ka magbusiness" sabi ni nanay sakin. "Malay mo, magustuhan ng mga tao edi mag-business ka na lang para matutukan mo ang anak mo kapag lumabas diba?" dagdag pa ni nanay sakin. "Pagiisipan ko po Nay, kasi po baka naman po di magkasya yung naipon ko pong pera pang-negosyo if ever po" sagot ko naman kay nanay.

Wag daw ako masyadong magiisip para iwas stress daw. Pero naiisip ko pwede naman kasi ako magtinda ng mga binebake ko tapos ilalagay ko sa tindahan ni nanay o kaya maglalagay ako ng karatola sa tindahan ni nanay na pwede sila umorder sakin. Nawala yung pagiisip ko ng may nagdoorbell sa bahay, napatingin tuloy ako sa relo at baka ang mga apo lang ni nanay ang nandito. Nagulat ako ng buksan ko ang pinto at nakita ko ang mga studyanteng hinahawakan ko ng muntikan na ako makunan. "A-a-anong ginagawa nyo dito?" lahat naman sila nagsitakbuhan papunta sakin at niyakap ako. "Hala, anong ginagawa nyo? Baka makunan na ako sa ginagawa nyo." Nagworry naman ako sa baby ko pero di rin sila nagtagal ng pagyakap at kumawala naman sila sa yakap sakin. Naghiwalay hiwalay sila ung iba umupo sa salas, ung iba pumunta sa kusina at may hinahanda. "Teka lang, ano ba ginagawa nyo dito?" lahat sila tumigil at tumingin sakin. "Sorry po Ma'am, magbabago na po kami promise po. Diba classmates" sabi ng president ng class. Nagulat naman ako sa sinabi nila.

"Anong nakain nyo? Kung isa man itong prank, please lang wag nyo na ituloy dahil di ko makakaya kung mawala ung baby ko" umiiyak na ako. "We are very sorry ma'am. Alam po namin na kasalanan namin yun and we don't like na may mangyari sa baby nyo. Diba po kinakapatid na namin yan kasi second mother po namin kayo" sabi ng vice president naman at niyakap na naman nila ako.

Mukhang magbabago na nga sila. "kailangan pa bang muntikan pa akong makunan para lang magbago kayo?" inis na sabi ko. "hindi naman po namin alam na sensitive ang pagbubuntis nyo po" sabi ng isang student sakin. "oh sige na pinapatawad ko na kayo." Natuwa naman sila at nagtalunan. "nagmeryenda na ba kayo?" umiling naman sila "pero ma'am may dala po kami sainyo ni baby" tignan ko naman at may dala silang lugaw at tokwa't baboy. "Wow! Favourite ko yan ha!" kumain naman kami, di ko nga alam paano kami nagkasya dito sa bahay eh sa dami ba naman nila eh. "after nito may cupcakes ako dito na ginawa. Kumain din kayo ha. Iniisip ko kasi magbenta ng ganito habang nakabakasyon ako sa pgiging teacher."

"WHAT!? Sino po magiging teacher namin sa ibang classes"

"Hindi ko, pero sabi ng Principal, mas mabuti pang magpahinga kaysa naman daw ang school pa ang dahil kung bakit ako makukunan diba" tumango naman silang lahat. Hindi rin nagtagal ay umalis na din sila para magaral at nagulat ako dahil nagaaral pala mga ito.

May naipon pa naman ako dito, siguro magandang gawin doon ay maliit na nigosyo tutal di naman ako makakapagtrabaho.

Paano Kita MamahalinWhere stories live. Discover now