Liham

30 5 1
                                        

Charish P.O.V.

Bakit kaya nasa huli lagi ang pagsisi?

Bakit hindi pwedeng sa unahan nalang o kaya sa gitna?

Nang sa ganoon wala tayong nasaktan ,hindi tayo nagsayang nangbaldebaldeng luha at hindi na rin tayo nagmahal nang maling tao. Kung nasa una lang talaga ang pagsisi...hayyy....

Parang ako....

Bakit???

Paano ba naman kasi isa akong dakilang tanga!!!Alam niyo kung bakit?

I broke a promise... Kaya pala totoo ang saying na "Promises are made to be broken" . Paano?

"Promise me...uhmmm us... promise us that you will never leave us no matter what....or kung ano pa ang mangyari..."

Yan ang sinabi niya at siyempre dahil mahal na mahal ko ang bestfriend ko 'oo' ang naging sagot ko.

Hanggang sa dumating ang araw na lagi kaming nagkikita nang boyfriend ko. Lagi kaming magkasama. Lunch break. Recess time. At pati na rin sa paguwi. Siyempre mahal na mahal namin ang isa't isa . Pero itong si Andrei , ang bestfriend ko , na layuan ko daw si Carlo. Nagtaka ako siyempre bakit niya sinasabi yun? Mahal ko si Carlo at mahal niya din ako . Masaya kami sa isa't isa .Tyaka isa pa hindi nya ako katulong para utus utosan.At hindi rin siya Diyos para sundin ko ang sinasabi niya.

Sinabi niya sakin na magnanakaw daw si Carlo. Pineperahan lang daw niya ako. Hindi daw ako mahal ni Carlo. Na may babae daw siya. Lahat yun di ako naniwala.

Mayroon pa yung time na isinampal ko sakanya yung kinakain kong spaghetti.Yung time kasi na yun inis na inis ako sakanya. Lagi kasi siyang ganyan. Araw-araw siyang nagmamakaawa na layuan ko si Carlo. Sa hindi malamang dahilan bakit kaya hindi niya ako tinatantanan ? Pwede namang tumigil na siya kasi nakakapagod yung ginagawa niya. Pwede din siyang kay Jelly at kay Yesha siya sumabay. Si Jelly at Yesha ang mga bestfriend ko din. Pero hindi hindi niya talaga ako tinigilan. Hanggang sa dumating yung time na ipinamukha ko sakanya ang lahat nang inis ko sakanya. Sinabi kong hinding hindi ko na siya ituturing na kaibigan. Ipinamukha ko sakanya na wala siya kwentang tao. Lahat! Lahat nang masasakit na salita sinabi ko. Kahit alam kong lahat nang yuon ay hindi totoo. Hindi totoong wala siyang kwenta at hindi totoong hindi ko siya tinuring na kaibigan. Sinabi ko lang ang mga iyon para tumigil na siya. Pero alam mo kung anong naging sagot niya.

"Ah ganoon ba?...Ah sige, Salamat ha?" sabi niya habang nakangiti.

Natigilan ako .

Simula noong araw na yun hindi na niya ako kinulit. Siyempre medyo namiss ko siya. Ang kapal ko rin eh noh. Inaway ko tapos namiss ko.

Isang araw nag date kami ni Carlo. Pumunta lang kami sa isang mall habang nagiikot ikot. Napansin kong hindi siya nakikinig pag nagkwekwento ako . Lagi nalang niya ako sinasagot nang 'ah ganon ba?' yun lang at titignan nanaman niya ang cellphone niya na gift ko sakanya noong birthday niya. Napansin kong pangiti ngiti pa siya. Pagkatapos naming nagdate umuwi na kami. Hinatid niya ako pero sinabi kong kaya ko na. Dati rati pinipilit niya akong ihatid niya ako pero ngayon 'ok'
sasabihin niya tapos aalis na. Wala man lang kiss or hug or good night ingat. Sinundan ko siya. And you know what?
Nakita ko ang isang babae na mapayat , malapad ang noo, manipis na kilay, pouty lips, short hair, maitim ,at higit pa sa bilang nang daliri ko ang pimples niya sa noo sa ilong at sa iba't ibang parte nang mukha niya. Linapitan niya ito at binigyan niya ito nang isang masarap na halik. And then the next thimg i knew,umiiyak ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakita kong taksil siya ,dahil ba sa nalaman kong totoo ang lahat nang sinabi ni Andrei o ang katotohanan na pineperahan niya lang ako. Oo tama ang sinabi ni Andrei. At ngayon may ebidensya na kasi ako mismo ang nakarinig sa kanilang dalawa. See that. Hindi ba ang sama kong tao .

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Feb 26, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

LihamTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang