Prologue🔫

4 1 0
                                    

Napatawa na lamang ako sa nakikita ko. Tinignan ko ang dalawang tao na nakahandusay sa sahig na naliligo na sa sarili nilang dugo. Yung isa pugot ang ulo yung isa naman binaril sa dibdib. Kaawa-awa. Ni hindi man lang nila naipagtanggol ang sarili nila, walang puso ang gumawa nito.

Nilapitan ko ang isa sa kanila. "Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo?" Tanong ko na para bang sasagutin ako ng bangkay sa harap ko. Tinignan ko naman yung isa " At ikaw? May pagkakataon ka nang tumakas kanina pero hindi mo ginawa! MAS PINILI MO PANG MAMATAY KASAMA ANG ASAWA MONG MANLOLOKO!"

Napasabunot na lamang ako sa aking buhok. Tangina! Walang isip at puso ang pumatay sa kanila. Ni hindi man lang nag-iisip nang kahihinatnan. Magbabayad ang gumawa nito.

Tumawa ako ng malakas na parang Demonyo. Napatigil na lamang ako ng may kumatok sa pinto. Hindi ko sila ipinagbuksan dahil alam kung mga hamak na pulis lang yan. Pulis na walang ginawa kundi ang manghuli ng mga enosenteng tao, mga walang silbi! Bigyan mo lang sila ng suhol laya kana.

"Miss anong nangyari dito?"

Napatingin ako sa dalawang pulis na nakapasok na pala sa bahay.

"Ikaw ba ang may gawa nito?"

Tanong nang isa na nasa harap ko. Agad kung itinutok ang hawak kung baril sa noo niya.

"Kung ako nga ang may gawa niyan may magagawa ka ba?"

Ikinasa ko ang baril na nasa noo niya.

"Ibababa mo yan o sasabog yang bungo mo."

Agad kung pinutok ang baril na nasa noo ng isang pulis at mabilis na kinuha ang kutsilyo na nasa bewang ko saka isinaksak sa dibdib ng isa.

Napangisi na lamang ako. Walang puso.

Naramdaman ko na lamang ang malamig na metal na dumapo sa kamay ko.

"Arestado ka sa pagpatay kina Mr. And Mrs. Guzman at sa kasamahan naming pulis."

Walang emosyon ko silang tinignan apat sila ang naroon pero wala akong paki.

"Anong pangalan mo?"

Tanong na naman nito. Tinignan ko siya ng masama at ngumisi.

"Brooke Guzman."

(A/N: Don't.Expect.To.Much)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Archfiend AcademyWhere stories live. Discover now