Maya

14 2 1
                                        

“Maya gising na, may pasok ka pa sa  bago mong paaralan.”
Naalimpungatan ako sa pagtawag sa ng aking mama.

Tinatamad pa akong bumangon, naninibago ako sa malamig na simoy ng hangin mula sa labas ng bintana. Isang linggo na kami dito sa probinsya ng Alegrea. Sabi ng aking mama ay dito daw siya lumaki at nagdalaga, tinanong ko nga rin siya kung narito rin ba ang aking ama, ngunit ang sinabi lamang niya ay;
 
“Hindi na mahalaga iyon.”

Iyan lagi ang sinasabi niya sa tuwing babanggitin ko ang aking ama. Hindi na lamang ako nagtatanong, siguro’y hindi naging maganda ang pagsasama nila noon kaya ayaw itong pag-usapan ni mama. Nagbihis ako ng bago kong uniporme pagkatapos kong maligo at bumaba na para mag almusal.
  
“Bakit ang tagal mo? Mahuhuli ka na sa klase.” Bungad sa akin ng aking mama.

“Napasarap kasi ang tulog ko, ang ganda dito sa probinsya ninyo mama, sariwa ang hangin.” Masiglang sabi ko saka naupo sa hapag.

“O sya, kumain na tayo”
Sinimulan naming pagsaluhan ang nakahaing sinangag, itlog at ham.

Malaki, una kong napuna sa bago kong paaralan, bagamat mas malaki ang paaralang pinanggalingan ko’y malaki na ang paaralang ito para sa isang maliit na probinsya ng Alegrea. Pagpasok ko sa aking silid aralan ay natuon sa akin ang atensyon ng mga bago kong kaklase, umupo ako sa ikalawang upuan mula sa hulihan. Dumating ang guro at nagsitahimikan ang buong klase.

“Magandang umaga sainyo, may bago kayong kaklase, Miss Elizalde maaari ka bang magkwento ng kunting bagay tungkol sa sarili mo para makilala ka na naming lahat?”
Tawag sa akin ng guro, ngumiti ako at naglakad papunta sa unahan.

“Magandang umaga po sainyong lahat, ako po si Maya Elizalde, labing pitong taong gulang, galing kami ng mama ko sa Maynila lumipat kami dito sa Alegrea dahil nagsara na ang kompanyang pinapasukan ni mama sa Maynila.” Pakilala ko sa aking sarili.

Napatingin ako sa dulo ng silid, sa pinaka dulong upuan ay nagtama ang tingin namin ng nag-iisang lalaking nakaupo roon. Mataman siyang nakatitig sa akin, sinasalubong ang aking tingin na tila ba sinusubok kung kaya ko bang makipagtitigan sa kanya. Bumilis ang tibok ng aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Pinaupo na ako ng guro at nagsimula na siyang magturo. Nararamdaman ko parin ang malalim na titig sa akin mula sa likuran, nang lingunin ko ay nakita kong mataman paring nakatitig sa akin ang lalaking iyon.

Naging maayos ang unang araw ko sa bago kong paaralan, nagkaroon agad ako ng mga bagong kaibigan, pinagkaguluhan nila ako, sanay na akong makakuha ng atensyon kahit noong nasa Maynila ako’y halos lahat ng estudyante sa amin ay kilala ako, ang mga babae ay gustong makipagkaibigan sa akin, lalo na ang mga lalaki na halos lahat ay higit pa sa pakikipagkaibigan ang pakay. Lumipas ang isang linggo, unti-unti na akong nasasanay sa buhay dito sa probinsya, mas gusto ko dito, simple lang, payapa at magaan hindi katulad sa Maynila na mabilis na parang laging may hinahabol na oras.
 
“Hi!”

Napapitlag ako sa nagsalita sa harapan ko, hindi ko napansin ang paglapit niya masyado akong naging abala sa pagbabasa sa isa sa mga nobelang koleksyon ko. Mag-isa ako ngayon sa lilim ng malaking puno ng akasya sa gilid ng gusali ng silid namin. Simula nang nakita ko ang lugar na ito ay nahilig na akong tumabay dito pag walang klase para magbasa at mag-aral, bukod sa tahimik kasi ay malamig pa ang simoy ng hangin.

“Hello!” alanganin kong sagot sa lalaking nasa harapan ko, ito ang unang beses na kinausap niya ako, hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikilala bagamat palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin ay hindi niya ako kinakausap.

“Ako nga pala si Meo, magkaklase tayo.” Pakilala niya saka umupo sa tabi ko at naglahad ng kamay.
Tiningnan ko lamang ang kamay niya.

“Alam kong magkakalase tayo at ikaw din yung palaging nakatitig sa akin, at hindi ako natutuwa sa pagtitig mo.” Prangka kong sabi, isa ito sa mga katangian ko, prangka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maya (One Shot)Where stories live. Discover now