Di Mapaliwanag
First day of school. Panigurado puro introduction na naman 'to. Napabuntunghininga na lang ako. Kasalukuyan akong nasa Student Lounge ng school namin at hinihintay ang bestfriend ko na si Riri.
And speaking of her, nakita ko na sya at kasama nya ang matagal na nyang manliligaw na si Sam. Sa tingin ko, bagay talaga sila at mukha namang sincere si Sam sa lahat ng sinasabi niya. Ewan ko ba dito kay Riri, masyadong pakipot eh halata namang may gusto rin sya kay Sam.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila. "Ehem, baka mahiya 'yong mga langgam sa sobrang sweet niyo," malaki ang ngiti na sabi ko sa kanila.
"Anong sweet ka diyan! Hindi 'no!" Sabi ng aking in denial bestfriend. "Pumunta ka na nga sa classroom mo! May pupuntahan pa kami ni Mimi," pagtataboy niya kay Sam. Kinuha niya ang kanyang mga gamit na bitbit ng manliligaw at hinila ako paalis.
"Grabe ka naman, Riri! Ang sama mo!"
"Hmp. Ganun talaga, nagsasawa na ko sa pagmumukha nya, kanina ko pa sya kasama."
"Sus. Deny pa 'teh! Kinikilig ka lang eh. Yieee!!!" Pang-aasar ko pa sa kanya.
"Tumigil ka nga Mimi. Tara na malelate na tayo!"
-*-*-
Pagpasok namin ay marami pang wala. Pumwesto kami sa may gitna, second row. Umupo na kami at nagkwentuhan. Maya-maya pa ay kumpleto na kami at hinihintay na lang ang pagdating ng adviser namin.
Nagkukwentuhan lang kaming lahat. Nagkakamustahan. Walang nalipat sa section namin at wala ring naalis, at walang new student. Kami-kami pa rin ang magkaklase mula last year.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakangiti. Matangkad sya, at may suot na eyeglasses ngunit hindi maitatago ang kagwapuhan nito.
Kinikilig na siniko ko si Riri at binulungan, "Akala ko ba walang new student? Ang gwapo niya Riri! Crush ko na siya!"
Maraming nagbubulungan at ang mga babae ay kinikilig na tulad ko. Pumunta sya sa teacher's table, ipinatong ang mga gamit niya at tumikhim. "Good Morning, I'm your adviser, and at the same time your English and Music teacher. I'm Bryan Almazan."
Siya ang bagong Adviser namin? Seriously? "Sure po ba kayo na Adviser namin kayo? Hindi classmate?" Hindi ko napigilang itanong.
Sumang-ayon 'yong iba kong classmate sa sinabi ko, ang iba naman ay tumawa. "Ano ka ba naman Mimi!" Sabi ni Riri sabay hampas ng mahina sa braso ko. "Bakit ba? Masama bang magtanong? Sinisiguro ko lang naman ha," tumingin ako kay Sir, "di ba po?" At nginitian ko siya.
Nginitian nya rin ako at halatang natatawa rin sya. Ang gwapo niya talaga! "I'm not your classmate. I'm really your Adviser."
"Bakit mukha kayong 16, Sir?" Tanong ko pa ulit. Kanya-kanyang react ang mga classmate ko pero hindi ko sila pinansin at nakatuon lang ang atensyon kay Sir.
"Really? But I'm 21 yrs. old. Fresh graduate. Miss..." "Lopez po Sir," sagot ko kahit hindi nya pa ako tinatanong.
"Ms. Lopez, may itatanong ka pa ba?" Parang nahiya naman ako sa sinabi ni Sir kaya umiling ako. May nagtaas naman ng kanilang kamay at nagtanong kay Sir habang ako ay nakikinig na lang.
"Oh, bakit di ka na nagtatanong kay Sir?" Mapang-asar na tanong ni Riri sa akin. Inirapan ko lang siya at tinawanan nya lang ako.
Natapos na ang tanong kay Sir at nagsimula na ang Introduction namin sa aming sarili. Himala nga dahil ngayon lang ako na-excite na magpakilala kahit alam kong kilala na ako ng mga classmate ko.
CZYTASZ
Di Mapaliwanag
Krótkie OpowiadaniaShort story :) song inspiration: Di Mapaliwanag by Morisette Amon :)
