I Will Be Here

798 28 1
                                    

Nandito kami ngayon sa isang beach sa Batangas para sa team building ng Lady Eagles.

Kasalukuyang nasa harap kami ng maliit ng bonfire at nakapalibot dito. Sabi ni Ate Ly, isang task daw ang gagawin namin para magkakilala pa ng lubusan ang team. Since rookie ako, isa ako sa mga unang magsheshare ng experience sa buhay na di ko makakalimutan na buong buhay ko.



"Bea. Turn mo na." Sabi sakin ni Maddie. Kapwa ko rookie. Napatingin naman ako sa taong nasa tapat ko. Kay Jhoana. Malungkot syang nakatingin sakin habang nilalagok yung san mig light nya. Lasengga din pala tong taong to. Sya lang kasi yung di ko masyadong kinakausap sa team. Kumbaga casual lang kami. Kung ano ang dahilan, malalaman nyo din mamaya.





"Go Bea!" Cheer sakin ng mga teammates ko. Tumango naman ako sa kanila at nagsimula nang magkwento.





"Okay. When i was in 2nd year highschool, i had a girlfriend...."




"Shit. Sabi na nga ba papi ka eh!" Sigaw bigla ni deanna. Napatingin naman lahat sa kanya kaya nag peace sign na lang sya.






"Okay. Go on Bea.." Sabi sakin ni ate Ly kaya tumango nalang ako nag patulo sa kwento.








"So yun nga, i had a girlfriend. I actually don't know kung matatawag ko ba syang girlfriend kasi di ko alam kung naging kami ba talaga...basta sabi namin mahal namin ang isa't isa so dun nag start..."




Flashback:



"Hi." Nahihiya kong sabi sa babaeng nasa harapan ko ngayon.


"Uhm, Hello?" I smiled. Ang ganda nya. Yung tipong nakita ko agad yung future ko dahil sa ngiti nya.



"Uy, ano okay ka lang?" Shit natulala na pala ako. Nakakahiya.




"Ha? Ah Oo. Pasensya na. Gusto ko lang sana magpapicture eh. Alam mo na, minsan lang kami makapunta sa campus nyo. Minsan lang kitang makikita." Nahihiya kong tugon sa kanya.





"Hala? Seryoso ka? Haha. Ba't ka naman magpapapicture sakin eh di naman ako sikat na artista noh. Pero sige dahil first time yan, tara picture tayo!" Masigla nyang sabi sakin. Grabe parang tumalon yung puso ko kasi lagi lang syang nakangiti.






"Sige teka, tatawagin ko lang yung teammate ko.. Asan na--Ayun! Sam! Sam! Papicture naman kami ni Ms--Uhm, ano nga ulit pangalan mo?"






"Jhoana. Jhoana Maraguinot."






"Ayun, Picturan mo kami ni Jhoana. Gandahan mo ah. I-pprofile picture ko yan sa fb!" Nakangiting sabi ko. Napalingon naman sya sakin pero nakangiti rin.







"Ang special ko naman nyan. Hahaha."







"Special ka naman kasi talaga."







"Oops tama na yan. Tingin na dito para mapicturan ko na kayo." Singit ni Sam. Wrong timing pare ha.






"Okay, 1,2,3..Smile!" Sabay kaming ngumiti. Di ko alam pero parang ngiting tagumpay ata yung ginawa ko. Wala eh. Feeling ko tinamaan na ko sa babaeng katabi ko.






"Isa pa pls!" Hirit ni Jhoana. Tumango naman si Sam at nag sign na tumingin ulit kami dun. Nagbilang na si Sam ng hanggang tatlo nang bigla akong akbayan ni Jhoana. Di ko tuloy sinasadyang mapatingin sa kanya. Pero nakangiting nakatingin lang sya sa camera na hawak ni Sam.






JB PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon