AKALA KO = = THE SWWAR STORY (ONE SHOT)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Not so fast Maria Kristina Chixie Delcozar (o, wala ng aangal, Yan ang gusto ko munang real name nya kunyari hehe)... I'm not done yet." Sabi n'yang medyo tumigas ang mukha.. hah! at s'ya pa ang may ganang magalit sakin? .... " At hindi ako papayag na matakasan mo uli ng hindi mo pa rin alam kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko na papayagan lumayo ka uli dahil sa maling akala mo. Because that's the very reason why I never left this place. Because I knew one day you'll be back whether you like it or not, and I promised to myself, I'll be waiting for your return even if it  takes me a lifetime" ang mahaba n'yang litanya

LIFETIME? EVEN IF IT TAKES A LIFETIME? HIHINTAYIN N'YA TALAGA AKO? Nang-uuto ba ito? Well sige, pagbigyan... Anyway di ko din naman talaga s'ya pinakinggan noon. Tinakasan ko na lang s'ya dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko.

"Okay... sige, makikinig ako. Siguraduhin mo lang na totoo lahat ang sasabihin mo dahil kung hindi, hindi lang mag-asawang sampal ang matatanggap mo sa'kin"

"Can we talk somewhere else then?" sabi n'ya ng nakangiti na.. Tsk! yon pa rin ang ngiting gustung-gusto ko dati... take note: DATI! .. naalala ko, nasa pier nga pala kami.. oo pier. Yong daungan at paradahan (paradahan talaga) ng barko. Ano 'kanyong ginagawa namin dito? S'ya ewan ko... Pero ako, naghatid sa pinsan kong si JM (Joanna Marie JM Canada) papuntang Manila dahil tapos na ang bakasyon n'ya at nailibing na rin naman ang lolo Jujo naming namatay (ayan .. di ako napilitan nyan.. kasama ka talaga sa kwento #Ako si Jujo.) na s'yang dahilan kung bakit kami umuwi. Susunod din ako sa kanya by next week dahil nandun ang trabaho ko. Trabahong pinasukan ko bilang receptionist sa isang travel agency doon matapos kong lumayas mula dito sa lugar namin dahil sa sakit sa puso na dinanas ko. Sakit ng pakikipag-break (na hindi talaga official ang break-up dahil in-assume ko lang) ko kay Ricky dahil sa pagtataksil nya kasama ang bestfriend kong si Misty. HIndi ko makakalimutan ang araw na yon. Araw nang nalaman ko na pinagtataksilan pala nila ako. Oo. Silang dalawa. Si Ricky bilang boyfriend ko at si Misty bilang bestfriend ko.

At hindi ko talaga akalaing makikita ko ang lalaking ito ngayon dito dahil ang balita ko noon, balitang galing sa chikadora kong kapatid na si Skye (Crimson ikaw yan) at ng pinsan kong si Ghee (yes, it's you, Ghee de Mesa Nasalga), ay umalis din s'ya matapos kong iwan ang lugar na ito. At sa halos isang linggo kong pamamalagi dito sa lugar namin ay hindi ko man lang s'ya nakabangga. Wala ring nakapagsabing nandito pa rin pala s'ya. Well siguro dahil na rin sa ang dapat na chichika sa akin nun ay itinuring ko ng patay. Ang taksil kong bestfriend. Pero ano itong sinasabi ng lalaking ito na hindi n'ya iniwan ang lugar na ito dahil sa akin? Dahil inaasahan n'yang babalik at babalik ako dito. At may lifetime-lifetime pa talaga s'yang nalalaman.

Sakay ng kotse n'ya, sa city park kami humantong upang mag-usap. Eto ang paborito naming spot-to-date nung mga panahong kami pa. Particulary sa playground dahil may mga bench dito na may lumalambong na puno (& I thought I was forgetting... but now?... obviously, hindi!). Meron ding mga upuang magkaharap na may mesa sa pagitan kung gusto mong mag-snack dahil may canteen din na pwedeng bilhan ng meryenda.

Kung dati, dun kami pumupwesto sa bench para magkatabi kami, this time, dun kami sa merong mesa sa pagitan at ako na ang naunang umupo talaga dun. Mahirap na... (echos!)

At dahil naupo na rin s'ya... "O, simulan mo na ang kwento mo at tiyakin mong kapanipaniwala yan dahil kung hindi... kung hindi..." kainis! ngayon pa ako nawalan ng sasabihin. Ang lapad tuloy ng ngiti ni mokong. Yan ang isa sa mga gusto kong attitude n'ya dati. Cool s'ya lagi. Parang walang problema. At kung magkakaro'n man, confident s'ya lagi na lilipas din ito at magtatagumpay s'ya. Sobrang positive lagi ng pananaw n'ya sa buhay.

"Kung hindi, ano?" sabi n'yang nakangisi....ang yabang lang talaga...

"Kung hindi... kung hindi,... ipapakain kita sa pating!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKALA KO = = THE SWWAR STORY (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon