Chapter 51: Split into Two

Third Person’s POV

The cold wind blew and Kisha shivered. She shouldn’t feel cold; she shouldn’t feel anything except pain and hatred. But why is she so affectionate to the girl for a fact that they only met in just one day and talked in just a minute? Ano bang meron sa batang babaeng iyon at nakakaramdam siya ng ganito? Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa sarili niya. Hindi siya makapagfocus. Saan man siya tumingin, ipikit man niya ang mata niya, si Savannah lang ang tangi niyang nakikita. And not only that...

“This is not good. Bakit sa tuwing iniisip ko si Savannah, naiisip ko din ang hayop na Van na iyon?!” She threw the dart and hits the bull’s-eye. Tumayo siya at kinuha ang kanyang coat. Kailangan niyang magpahangin, baka makakatulong itong maibalik ang focus niya sa mga bagay na mas importante...

Kinuha niya ang susi ng kanyang kotse sa may side table at pumunta na sa parking lot. Nandito siya ngayon sa mansyon at wala naman ang Supreme Commander kaya madali siyang makakaalis. Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang kotse na hindi alam kung saan pupunta. Gusto lang muna niyang lumayo at makapag-isip...

Nang makalayo siya sa kanilang mansyon ay binagalan na niya ang takbo ng kanyang sasakyan at minabuti na lamang na pagmasdan ang paligid kung nasaan siya ngayon. Nasa loob pa rin siya ng District 1 pero malapit na siya sa may dulo. Itinigil niya saglit ang pagmamaneho at tiningnan ang isang daan papunta sa gubat pero kasya naman ang sasakyan...

“What is this place? I have never been here before” she muttered to herself. Dahil napuno na lang din siya ng kyuryosidad ay tinahak na niya ang daan na iyon at hindi rin nagtagal ay nasa harapan siya ng isang malaking gate kung saan sa loob nito ay isang mansyon...

Parang may kung anong kumirot sa kanyang ulo kaya napahawak siya dito. Pamilyar ang lugar na ito sa kanya pero kahit anong gawin niyang pag-iisip ay hindi niya alam kung bakit hindi niya maalala. Sigurado siya...sigurado siyang nanggaling na siya dito...

Pinatay niya ang makina ng kanyang sasakyan at bumaba na. Muli niyang tinitigan ang buong lugar...

Muli siyang napahawak sa kanyang ulo ng makarinig siya ng boses...

“Palabasin mo ako dito! Hindi dapat ikaw ang nakikita nila!”

“Umalis ka sa katawan ko!”

“Ako dapat ang nakikita nila, hindi ikaw!!”

Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok. Sarili niyang boses ang naririnig niya at hindi niya alam kung bakit. Palabasin? Sino? Bakit? Ano bang nangyayari sa kanya?

“What the...hell!! Tama na!!” napaluhod na lamang siya dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Maya-maya ay naramdaman niyang nawala na ang sakit sa kanyang ulo at tumigil na din ang boses. Inayos niya ang kanyang sarili at lumapit sa may gate. Nakalock ito kaya tinalon na lamang niya ang gate para makapunta siya sa kabila. She landed smoothly and walked towards the mansion. It’s so quiet and all she can hear is the faint sound of the insects...

Nang makarating na siya sa harapan ng malaking pinto ay hinawakan niya ang doorknob at pinihit, pero nakalock ito. Kinuha niya ang kanyang maliit na dagger sa bulsa niya at ginamit ito para mabuksan ang pinto. CLICK! The door opened and she let herself go inside...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!