Chapter 20: Beginning

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako makaimik sa mga sinasabi ni Spring. Ganito din ako kapag tama ang sinasabi ng kaharap ko.

"Dati ko na 'tong napapansin Kuya eh. Hindi sa pagiging pakialamera pero kuya may gusto ka ba kay Kuya Trey?"

Nagulat ako. Ganyan din ang naging tanong ko sa sarili ko kagabi.

May gusto nga ba ako sa bestfriend ko?

Hindi ko ata kayang magkagusto sa kapwa ko lalaki. Kung iisipin pa lang, nakakaasiwa na pa'no pa kaya kapag totoń na? Pero bakit hindi ako makaramdam ng ganoon  kapag iisipin kung may gusto nga ako kay Trey?

"Wait Kuya, iri-rephase ko lang ang tanong ko. Ay! Papalitan pala. Ahm..." Sumeryoso ang mukha ng kapatid ko. "Mahal mo ba si Kuya Trey, Kuya?"

Doon na ako napatulala. Ang layo na sa isisipin ko iyon. Mahal ko si Trey pero bilang matalik na kaibigan lang. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya.

Hindi na talaga ako nakaimik. Gusto kong ipaglaban ang sarili sa paratang ni Spring pero ayaw sumunod ng bibig ko. Hahayaan ko na lang ba na isipin nitong kapatid ko na mahal ko ang matalik kong kaibigan?

Ugh! Bakit parang ayaw kong tumutol? Ano bang nangyayari sa akin?

Dahil sa pagkakausap sa sarili hindi na ako nakapagsalita. Besides, I'm out of words.

"Aish Kuya! Hindi mo na ba talaga sasagutin ang tanong ko. Hmp! Hindi na rin kailangan dahil alam ko na ang sagot. Pero teka? Nakabihis ka. Sa'n punta mo? Kanila Kuya Trey nu?"

Napatango na lang ako bilang tugon.

Napaismid at napataas siya ng kilay. "Ano pa bang aasahan ko? Trey ka ng Trey eh."

Sumusobra na 'tong kapatid ko. Parang mas matanda pa siya kesa sakin.

"Bakit ganyan ka makapagsalita ha, Spring? Sino bang kuya mo rito? At bakit parang ang dami mo ng alam. Siguro may boyfriend ka na nu? Sino ang lalaking 'yan, Sabihin mo?" Seryosong tanong sa kanya na may halong pagbabanta.

"Wala akong pinangarap kundi si D.O lang ng EXO. Atsaka huwag mo ngang i-divert sa akin ang isyu dito. Bata  pa nga ako Kuya pero aware naman ako riyan. Ikaw na nasubukan na pero may pagkamanhid pa rin. Huwag mo na ngang i-deny 'yang nararamdaman mo dahil mahihirapan ka lang. Sige ka, marami pa namang nagkakagusto kay Kuya Trey. Si Kuya Rowin nga may gusto sa kanya eh. Alam mo ba panay ang tanong nun sa akin kung nabisita ba raw ang Kuya Trey dito." Si Rowin ay kapitbahay namin na kasing edad ko lang.

Gagong 'yon, may siya gusto kay Trey. Bakla ba siya? Hindi! Hindi siya pwedeng lumapit kay Trey. Basag-ulong klaseng tao siya. Hindi ako papayag na lapitan niya si Trey.

"Huwag mo na ngang kausapin ang lalaking 'yon. Hindi siya pwedeng lumapit kay Trey." Naiinis na bilin ko kay Spring.

Dahil sa sinabi ko napangisi ang kapatid ko. Problema niya?

"Ewan ko talaga sayo Kuya. Sige na umalis ka na at puntahan mo na ang Kuya Trey. Ikamusta mo na lang kami sa kanya." Bago pa man ako makapagsalita ay tinalukuran na ako ng kapatid ko. Tinawag ko pa ang pangalan niya pero hindi na nag-atubiling harapin ako.

"Bakit pakiramdam ko hindi ko siya kapatid. Baka sila ni Ate Ganda ang magkapatid. Parehong-pareho kasi sila kung magsalita eh." Wika ko sarili.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Spring. Iisipin ko na lang na hindi niya sinabi ang mga bagay na 'yon. Mas lalo lang akong maguguluhan.

Ang mabuti pa, aalis na lang ako. Susurpresahin ko si Trey. Wala akong sinabi sa kanya na pupunta ako sa kanila. Wala na rin kasi akong part-time job maliban sa pagmomodeling dahil si Mama na ang nagtatrabaho para samin. Hinanapan siya ni Papa ng magandang trabaho at malaking sahod.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon