CHAPTER FIVE

2.7K 70 0
                                    

Na-extend pa ng dalawang linggo ang forced leave ni Excel bago siya nakabalik sa presinto. At sa loob ng isang linggo ay puro paper works lang ang pinagawa sa kanya ng hepe para daw gumaling na siya ng lubusan.

                Lunch break na at masayang inuubos niya ang pinadalang pagkain sa kanya ni Lanlan. Kasambahay lang ng dalaga ang nagdala noon sa presinto dahil kasalukuyang natutulog pa ito dahil umaga na daw itong natapos sa sinusulat na nobela noong nakaraang gabi.

                Mula noong inalagaan siya nito noong mga nakaraang linggo ay nagpapadala ito ng pagkain sa kanya at kung minsan ay ito pa mismo ang nagbibigay noon sa kanya. Malambing at mapag-alaga si Lanlan. Ilan lang iyon sa katangiang hahanap-hanapin ng isang binata sa babae na nagustuhan din niya dito. 

                Nahagip niya ang isang note na kalakip ng pagkaing pinadala nito. Binasa niya iyong muli.

                Kumain ka ng mabuti ha. Hindi ako ang nagluto niyan kundi si Nanay Ising kaya magpasalamat ka sa kanya. Iyong fruit salad lang ang contribution ko diyan.  Malapit na nga palang matapos ang novel ko para sa’yo kaya deadma ka muna sa akin ha para matapos ko na. hehe. Joke lang. Si Ceni, kamusta na siya? Pinapakain mo ba siya ng mabuti? Love ko iyang doggy na iyan kaya ingatan mo siya ha. Nangungulit, Lanlan.

                Ilang araw na nga silang walang communication. Pag tulog kasi ito ay siya naman ang gising at pag gising ito, tulog naman siya. Pero kahit ganon, alam niyang hindi siya nito nakakalimutan.

                Napangiti siya.

                “Excel, in love ka na ano?” untag ni Pae Yong. Bigla na lang itong sumulpot sa opisina niya.

                Tumayo siya at sumaludo dito bilang paggalang. Mahirap ng masabihang por que magkaibigan sila ay hindi na niya nirerespeto ang hepe nila.

                Sumaludo rin ito. “Carry on.”

                Umupo ito sa visitor’s chair at humalumbaba sa harap niya. Ngumisi ito nang balingan nito ang pagkain sa mesa. Kinuha nito ang iniabot niyang kutsara at tumikim ng salad. “In fairness, masarap ang dala niyang pagkain sa’yo ah. Ang swerte mo naman, best friend. Hindi mo pa girlfriend, bine-baby ka na.”

                “Ganon lang siguro siya talaga. Ex-nun e. Though ang sabi niya hindi naman niya natapos ang pagmamadre niya, she still considered herself as a former nun.”

                “Hindi na siya madre ngayon at nasa outside world na siya. I think hindi niya iyon ginagawa dahil ex-nun siya. Baka may gusto rin siya sa’yo.”

                “Sa tingin mo?”

                “Oo, kung hindi man, papunta na sa ganon iyon. Alam mo Excel, wala nga akong amor sa lab lab na iyan pero kung love life ng ibang tao, lalo na ng best friend ko, magkakainterest ako.” 

                “Baka na-misinterpret lang natin iyong kabaitan niya. Mahirap maging assuming.”

                “Ikaw ang lalaki, Excel. You have the ability to make any woman fall in love with you so do you part. Suportahan kita diyan. Basta ninang ako ng panganay mong anak ha.”  She stood up and went out of his office.

                Napailing na lang siya. Posible kayang pareho lang sila ng nararamdaman ni Lanlan?

                Dahil doon ay masigla niyang tinapos ang trabaho niya buong maghapon. Maaga lang siyang nagpaalam kay Pae Yong dahil may schedule siya ng check-up.  Dumiretso siya sa hospital at isang eksena ang hindi niya inaasahang makita sa hallway ng hospital.

Strange Feeling of LoveWhere stories live. Discover now