One

45 3 3
                                    


The story begins here..


   Third Person's P.O.V


@Timber Academy

  "Where are you?! Kanina pa ako dito!" inis na tanong ng isang lalake sa katawag.

"Hey, dude. Chill, baka tumanda ka ng maaga jan. HAHAHA!"  sagot ng nasa kabilang linya.

"Bullsh*t, kung sana alam kong maghihintay pa ako dito, hindi na ako pumunta!" sabi ng lalake, na ngayon ay pinagtitinginan na ng ibang tao.

"Hala, wag naman di mo ako makikitang sumayaw. Malapit na kami, wait lang." natatarantang  sagot nang nasa kabilang linya.

Alam kasi niyang mainipin ang kaibigan at pahirapan talaga ang pagpilit dito para lang mapanuod ang pinaghadaan niyang sayaw.


"Bilisan niyo jan, I swear pagnakita ko kayo mapapatay ko kayo, for making me wait!" gigil na sabi ng lalake.

"Ito naman parang di kaibigan ang kausap, kung makabanta. Sus, sige na nga mala--" hindi pinatapos ng lalake ang sagot ng nasa kabilang linya, sapagkat pinatay na niya agad ang tawag.


Naiinis siya sa kaibigan kasi palagi nalang itong late at siya ang palaging naghihintay. At dahil wala na rin naman talaga siya magawa kundi maghintay. Naisipan niyang maglibot-libot, andito siya ngayon sa paaralan. Kasi may gaganaping Dance Competition kung saan kasali ang kanyang kaibigan, na kausap niya kanina sa Cellphone.


'KYAHH! Girls, nakikita niyo ba ang nakikita ko?'

'MYGOSH, totoo nga He's here again.'

'OHEMM! We're so lucky to see Him today.'

'Still, ang gwapo pa din niya.'

Rinig niyang usapan ng mga babaeng nadadaanan niya at napa-iling nalang siya.

  'Tsk, girls. Ang ingay.' sabi ng lalake sa kanyang utak.

At dahil nga na-iingayan siya sa mga babaeng boses bubuyog, he plug his earphone on. 

Habang naglalakad bilang nag-text ang kanyang kaibigan.

Sender: Nikoy

  Bro, we're already at the Gate. Where are you?

Natatawa talaga siya sa tuwing nakikita niya ang contact name ng kaibigan, para kasing tanga.

He was about to reply, nang biglang tumunog ang speaker na nasa corridor.

"ATTENTION, to all participants for the Dance Competition. Please assemble already here at the Gymnasium. I repeat, TO ALL PARTICIPANTS FOR THE COMPETITION PLEASE PROCEED NOW AT THE GYMNASIUM. WE WILL START AFTER 15 MINUTES. THANK YOU." sabi ng announcer.

After niyang marinig yung announcement, he reply.

To: Nikoy

   Let's just meet at the Gym.

             Sent/


Then he walk continously to the Gym.


Habang naglalakad, may biglang...


"Ouch/Shit!" may bigla siyang nakabangga. Naunang tumayo ang babae at agad na humingi ng paumanhin.

"Naku, sorry po. Sorry po, nagmamadali lang kasi ako." maypa bow-bow pa habang nagso-sorry sa lalake.

"You, bakit ba kasi tatanga-tanga ka!" inis na sabi ng lalake sa babae.

"Halaka po, hindi po ako tanga. Tsaka sorry po talaga ulit." sabi ng babae at bago paman makasagot ang lalake..


"DANCERS PREPARE, WE'LL START AFTER 3 MINUTES." Announce ulit.

 "Naku, sorry po talaga ulit. Kailangan ko na pong umalis." sabi ng babae at nagmamadaling tumakbo.

 'Tss, kainis. Bwesit!' inis na anas ng lalake sa kanyang isip.

Wala na rin naman siyang nagawa, he just continue his way to the Gym.


****

Nagsimula na ang Contest at lahat naman may maibubuga. And then finally ia-announce na kung sino ang panalo. And as expected nanalo ang grupo ng kaibigan niya. Kanina pa siya naiinip sa kanyang upuan at gustong umalis, pero nabigla nalang siya kanina nang makita niya ang babaeng nakabanggaan. Ka-grupo pala ito ng kanyang kaibigan sa sayaw, at isa lang ang masasabi niya dito.


'Hot'

Kasi daw, she looks Hot, when she dance. 


"Dude, sorry na. Eh kasi naman etong si Hari ang kupad kumilos." sabi ng kaibigan niya.

"Don't call me 'Hari' that's not my name, tss." ingles na comento ng isa pa niyang kaibigan.

"Will you both shut up?!" inis na sabi niya

"WAHHH, bakit ba ang highblood mo?" parang batang tanong ng katawag niya kanina.

Kanina pa kasi siya naiinis, bukod sa ingay ng dalawa niyang kaibigan. Ay dahil na rin sa babaeng kanyang nakabanggaan kanina.

  'Why do I think about her?'  tanong niya sa sarili.


Hindi na siya masyadong nakinig sa bangayan ng kanyang mga kaibigan, kasi para na siyang nababaliw kaiisip at kakatanong sa sarili sa kung ano na ang nangyayari sa kanya.

"NIKOY!" isang tawag na nakapagbalik sa kanya sa realidad.

"VAL!" agad na tumakbo ang kanyang kaibigan na si 'Nikoy' kuno, patungo dun sa tumawag sa kanya.

'It's her'  sabi niya sa kanyang sarili. Tiningnan lang niya ang babae habang nakikipag-usap sa kanyang kaibigan.


//Playing: Flightless Bird American Mouth (Yung nasa taas, play niyo nalang kung gusto niyo. Pero swear maganda yung song.)


"Nikoy, thank you ha. Kasi kundi dahil sa tulong mo, hindi kami makakakuha ng scholarship ni Paul." sincere na sabi ng babae.

At dun niya lang naalala na scholarship pala ang isa sa mga rewards sa mananalo.

"Hoy Val! Anong Paul? Paula ang pangalan ko noh!" sabat ng isang bading dun sa may gilid lang pala niya at talagang hindi niya yun napansin. Agad naman siyang napangiwi dahil dun.

"Hahaha, oo na. Sorry na po Paula. Osiya, mauna na kami Nikoy ha? Salamat ulit, see you on Monday." sabi ng babae at saka umalis kasama ang kaibigan netong bakla.


   Nakatingin lang siya dun sa babaeng naglalakad palayo sa kanila, hanggang sa maka-alis na nga ito. 

  'Hmm, Val ha.'  sabi niya sa kanyang sarili at para na nga siyang baliw dahil dun sa pagka-usap sa sarili. Hindi na niya hinintay ang mga kaibigan at umalis nalang ng walang paalam. Kasi nga kanina pa niya gustong umalis.


Now that I found you...


****

Finally done :) Comment your reactions below guys ha. Hehe, para ma-update din ako sa mga thoughts niyo. 

Bullet BalletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon