CHAPTER TWO

2 0 0
                                    


I blinked my eyes trice. May akademya sa ilalim ng lupa...akala ko'y imposible ito ngunit ito na ang patunay....

"GROUND ACADEMY" basa ko a gate nya. Para siyang ordinaryong paaralan kung tutuusin,isang lumang paaralan. Puro kahoy ang naging pader nito at ang gate ay malaking kahoy. Ito na ba ang sinasabi nyang mundo kung saan ako nararapat?

"Ang akademyang iyong pangangalagaan kasama ang mga nandyan sa loob. Naway...magtagumpay ka sa misyong nakatapat sayo"seryosong saad ng kasama ko. Teka! Sumama ako sa kanya ng hindi nalalaman ang kanyang pagkatao

"Anong pangalan mo? Kung makaasta ka kanina lamang ay para mo akong kilala ng husto." Malumanay kong tanong. Ngumiti lamang sya sakin at inilahad ang kanyang kamay.

"Ako si Karsoned,ang isa sa mga guro sa akademyang iyan" turo nya sa sinasabi nyang akademya gamit ang kamay nyang hindi nakalahad sakin. Tinanggap ko nalamang ang kanyang mga palad at isa lang ang naramdaman ko....ang gaan sa pakiramdam. "Alam ko ang iyong ngalan sapagkat ako ang susundo sayo papunta rito."saad nya at ng makalapit na kami sa malaking pader na gawa sa kahoy ay may binigkas syang hindi ko maintindihan. Kayat nandyan na naman ang kanyang kamay at inilahad ito sakin,kaya tinanggap ko nalamang ULIT.

"Teka bakit walang pintuan? Bakit di bumukas?" Tanong ko. Hinanap ko ang pintuan gamit ang mga mata ko ngunit wala kayat hinawakan ko ang kahoy na paddr ngunit laking gulat ko nang tumagos ang aking mga kamay. IMPOSIBLE.
Walang ano-anoy pumasok kami sa loob non ng walang pasabi. Para bang isa lamang kaming hangin,Now Im speechless. May binulong syang muli at humarap sa akin ngunit gusto kong siguraduhin ang lahat, kung totoo ngang naging parang usok lamang kami sa kahoy na ito ngunit akoy nabigo sapagkat nahahawakan ko na ang gate na gawa sa kahoy. Ngunit paano?

"Gamit ang mahika, halika at ihahatid na kita sa iyong dormitoryo." Wow. Isang dormitoryo? Sa ilalim ng lupa? 'Wow as in Wow' Mas napahanga akong muli ng makita ang kagandahan ng nasa loob ng gate na ito. Maganda. Isang akademya na mawawari mong naiiba sa lahat. Isang makulay at mala palasyo. Sobrang laki at malawak.Naglakad kami sa isang daang sa gilid nitoy may mga malalaking puno.

"Andito na tayo" nagagalak nyang pahayag at binuksan ang pintuan ng sinasabi nyang aking dormitoryo. Hindi ba kapag nasa dormitoryo ka dapat may ka roommate ka? Ginala ko ang paningin ngunit wala. Hays. Pumasok ako sa loob at sobrang napanganga ako ngunit itinikom ko ulit dahil baka may malaglag na saliva. Oh diba? English yon. Back to topic tayo. Parang hindi ito dormitoryo. Nahagip ng aking mata ang isang closet,lumapit ako doon at binuksan at nakakapagtaka dahil walang laman ang closet kayat humarap ako kay sir karsoned ngunit wala na ang kanyang pigura. 'Ganoon na lamang ba ang aking pagkamangha at di naramdaman ang kanyang pag-alis?'

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pageeksamin saking kwarto. Napakaganda, waring pinaghandaan nila ang aking pagdating,nakakapagtaka. Kulay black and white ang iyong makikita, sa dingding, table, tiles, sa kusina, banyo at kahit saang sulok nitong kwarto,parang alam nilang ito ang aking mga paboritong kulay. Parang hindi isang dormitoryo,parang isang silid ng isang prinsesa.
Nagsawa akong tignan at ieksamin ang aking buong kwarto kayat napagpasyahan kong lumabas at maglibot. Napakalawak na akademya.Wala akong nakikitang tao kayat pinagpatuloy ko ang paglilibot hanggang sa narating ko ang mga silid aralan,Sarado. Siguro ay parang sa mundong nakagisnan ko, may summer vacation din sila ngunit July na, bakit walang estudyante? Pero, kung ganon,may dormitoryo naman, para saan ang dormitoryo? Para sa estudyante, kaya kung ganon may estudyante. Pero ang tanong na diko masasagutan, nasaan ang mga estudyante? Naliligaw ba ako at napagkamalan na silid aralan to o ano? Wala pa naman akong sense of direction. Naku. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang paglilibot hanggang sa narating ko ang isang hardin. Napakadaming mga bulaklak at mga paru-paru.

"Napakaganda" tanging naibulalas ko. Umupo ako sa gitna at tinititigan ang mga iyon. Nakakatuwang isipin na andito ako ngayon sa isang lugar na hindi basta-basta naaapakan ng iba. "Ground Academy,napakamisteryosong paaralan,isang akademyang hindi lubos sumagi saking isipan na may akademya sa ilalim ng lupa" bulong ko,na parang may kinakausap.

"Hindi ko...." napatigil ako sa pag eemote. Charot. Pero seriously may nararamdaman akong may iba pang nandito sa hardin bukod sakin.
"Sinong nand....WAAAHH!"

**********

Sana may nagbabasa po nito :)
Lovelots:*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Confidential AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon