BESTFRIEND... (complete)

259 2 0
                                    

(ms.author: sensya na po.. compiled na po ito ng mga chapters.. hope you read this...)

--1

Tumingin ka sa akin at tumingin din ako sa'yo.

Nagtitigan tayong dalawa.

 Ngumiti ka kaya naman ay napangiti din ako. ilang minuto ang lumipas, nagtawanan tayong dalawa.

Apat na taon.

Apat na taon na tayong magkasama sa hirap at ginhawa.

Akala ko nung una tayong nagkita, ikaw na ang pinaka kamumuhian kong lalake sa balat ng lupa.

Akala ko lang pala 'yun.

Tumatawa lang tayong dalawa hanggang sa huminto ka, napahinto din ako.

"bakit?"

 tumingin ka lang sa akin na parang may dumi sa mukha ko. ewan ko, natatakot ako.

natatakot ako na baka mamaya, sa pagtitig mo sa mukha ko, hindi ka magandahan sa akin.

Nakakatakot.

"wala, cute mo kasi" pinisil mo ang pisngi ko sabay takbo palayo sa akin.

Alam mo kasing hahabulin kita. Pero hindi, tumayo lang ako sa kinatatayuan ko at hindi kumibo.

Ngumiti lang ako at inalala ang nakaraan.

First year highschool ng maging magkaklase tayo.

 Asar na asar ako sa'yo nun dahil sa tingin ko ay ikaw ang pinaka mayabang na lalakeng nakilala ko.

Naaasar din ako sa'yo dati dahil panay ang pisil mo sa pisngi ko. hindi tayo close nun. Hindi tayo magkaibigan, kaya nabibwisit ako sa'yo.

Isa kang malaking papansin, epal at ipot sa buhay ko.

Hanggang dumating ang araw na 'yun.

Umuulan ng malakas, wala akong payong na dala.

sumugod ako sa malakas na ulan papuntang 7eleven, ewan ko kung bakit hindi ko itinuloy ang pagsugod ko hanggang sa sakayan ng jeep. Basa naman na ako, ano bang pinagkaiba?

Siguro kasi, wala ka sa sakayan ng jeep.

Nagulat ako pagpasok ko ng 7eleven, mag isa ka lang na nakaupo sa tapat ng salamin at nakatingin sa labas.

Tila may sariling utak ang mga paa ko at naglakad papalapit sa'yo. Bago pa man ako magsalita, tumingin ka sa akin.

Para kang nagulat nun. Yumuko ka at kinusot ang mata mo. Nung una pa lang, nahalata ko ng umiyak ka.

Tumingin ka ulit sa akin at ngumiti. Isang pekeng ngiti. Ngumiti din naman ako. dun ko lang narealize, gwapo ka pala.

Apat na taon.

Apat na taon na akong nagagwapuhan sa'yo.

Sa'yo, sa'yo na best friend ko.

--2

Sa tingin ko ay itinadhana tayong dalawa para magkita nung araw na 'yun.

Umuulan ng malakas.

Wala akong payong.

Sumilong ako sa 7eleven.

Nakita kitang umiiyak

Dahil sa isang heartbreak.

Sa heartbreak na 'yun, nakilala ko kung sino ang tunay na ikaw.

Hindi pala ikaw 'yung epal na mayabang na ipot na nakilala ko.

BESTFRIEND... (complete)Where stories live. Discover now