Chapter 1

120 3 0
                                    

Chapter 1

( Third person POV)

“YES! Finollow back niya na ako sa twitter!” tuwang tuwang sigaw ni Ash sa kanyang mga kaibigan. Kasalukuyan siyang nakikiWifi sa isang coffee shop kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Aria at Rhianne.

“Shhhh! Ash nasa coffee shop tayo” pabulong na sabi sa kanya ni Aria.. Luminga- linga ito sa paligid.

Nakalimutan niyang nasa isang coffee shop pala sila. Pero  wala pa rin siyang pakialam. Di niya talaga mapigilan ang kanyang nararamdaman. Kahit na ano pa ang masabi ng iba ang mahalaga ay napakasaya nya.

“OMG! As in Oh My Gosh! Natupad na yung matagal kong pangarap! I’ve waited so long to have him follow me back on twitter! Thanks Lord!”  sabay  tumili pa ng dalawang beses. At halos tumalon pa siya sa kasisigaw.

“Hoy! Ashley Mae Montemayor dela Cruz! Pwede ba? Shut your big mouth up!” saway sa kanya ni Rhianne na kanina pang nanggigigil sa kaniya.

“Sory naman! Masaya lang ako! Ikaw ba naman ang ifollow back sa twitter ng ultimate crush mo?! I love you Jade! My love!” Sa wakas ay nakadama na ako ng pagasa na maging tayong dalawa!

“Oh come on Ash! Second year college pa lang nang ifollow  mo siya! Tatlong  taon nang nakagraduate tayo ng college pero ngayon ka niya lang  finollow back?! Grabe ka naman kung makapagcelebrate girl!” umiiling na sabi ni Aria.

“Hindi ka naming masisisi. Sa ilang years ka ba naman naghintay para sa pagfollow back niya sayo! Ikaw ba naman ang itweet araw araw para lang ifollowback! “ natatawang sabi ni Rhianne.

Jed Lhoy Samaniego has been her ultimate crush since college. Isa itong campus heartthrob. He possessed charms that could make girl crazy. At isa na siya roon. Para sa kanya ay ito na ang pinakagwapong lalaking nakilala niya sa buong mundo. Agad siyang nafall dito nang minsan siya nitong kantahan. Magkaklase kasi sila sa ibang subject noong college dahil parehas silang kumukuha ng Business Administration.

Kaarawan niya noon nang magkaroon ng isang game sina Jade at ang mga barkada niya. Natalo si Jade noon kaya naman ang naging consequence nito ay ang pagkanta ng Happy Birthday para sa kanya. It was infatuation at first time. Parang nasa langit na siya noon, she didn’t expect na kakantahan siya nito. Hindi kasi niya ito napapansin dahil nakaconcentrate lang siya sa kanyang mga studies nang mga panahong iyon. But in that day ay parang nabago ang lahat, palagi niya na itong hinahanap-hanap.

Simula noon palagi niya na itong binabati kapag nasasalubong sa kanilang hallway na ginagantihan naman siya nito ng pagngiti. Buo na ang araw niya pagnakasalubong niya ito o makita manlang ito kahit sa malayo lang. Ito ang naging inspirasyon niya sa kanyang pagaaral. At nagtagumpay naman siya grumaduate siya bilang cum laude. At summa cum laude naman si Jed.

Noong graduation day nila ay nagtuklasan niyang magkakilala ang kanilang mga magulang. Magkapartner pala ang kanilang mga magulang sa negosyo. Nalaman rin niyang after two years ay si Jed na ang magpapatakbo nito. Kaya kahit na ayaw pa niyang pagaralan ang pagtatakbo ng kanilang kompanya, ay pinagsikapan niya ang pagtre-training dito. Pero three years na siyang nagtre-training ay hindi pa rin niya nakukuha ang tamang pagtatakbo dito. One year narin na nakatapos sa pagtre-traning si Jed at ito na ang COO ng kanilang kompanya ngayon pero siya heto pa rin siya nagsusumikap na matapos ang kanyang training at matutunan ang lahat. 

Araw-araw niya itong nakikita dahil nakaassign siya bilang isang messenger ng kanilang kompanya sa kompanya nila Jed, palagi silang naguusap pero tungkol lamang sa kanilang business. Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon na makausap ito ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, nagtapat na siya dito pero sobrang nasaktan siya nang sabihin ni Jed na wala siyang feelings para dito.

Flashback

 Simula noon ay nagiba ang pakikitungo nito sa kanya, naging suplado na ito. Pero kahit na hindi naging maganda ang naging resultang pagtatapat niya ay hindi pa rin siya basta-basta na lang susuuko.Aba! ito kaya ang first and last love niya.

“Teka? Bakit Shane Vañez ang username mo? Di ba Ash dela Cruz ang username mo diyan?”  nagtatakang tanong ni Aria sa kanya.

Bumungisngis siya “ Kayo naman! Wag kayong masyadong maingay, at baka may makarinig sa inyo at baka makarating sa kaniya! It was only a bogus account mga sis!” She laughed victoriously.

“Bakit mo naman naisipang gumawa ng bogus account? Aber!?” nagtatakang tanong naman ni Rhianne sa kanya.

“Kasi ganito yun mga sis, alam kong kilala niya ako sa true account ko kaya naman ay napagisipan kong gagawa ako ng bagong accout at baka ifollowback niya ako at mastalk ko na siya! Di ba ang galling ko?” natatawang sagot niya sa mga ito.

Nagtinginan nalang ang dalawa na nakataas ang mga dalawang kilay . Alam kasi ng mga ito kung gaano ito kadesperada na maangkin ang ultimate crush nito.

HAVE FAITHحيث تعيش القصص. اكتشف الآن