"Salamat po, Nana Ameng."

"Naku, hali na nga kayo sa loob at mukhang aambon pa. Hija, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik eh." Puna nito kay Alana habang papasok sila ng bakuran.

"Ayos lang po ako, Nana. Napagod lang po talaga sa byahe." Ngumiti ito sa matanda.

"Ganoon ba? Nakakapagod nga talaga ang biyahe papunta dito. Malayo kasi itong amin. Siguro gutom na gutom na rin kayo. Ano ba ang gusto mong kainin para sa hapunan, Hija?"

"Naabala pa po namin kayo, Nana. Kahit ano nalang po."

"Wala iyon. O siya ihahatid ko muna kayo sa kwartong gagamitin ninyo. Magpapaluto na din ako ng tinolang manok at magpapaihaw ng isda para sa hapunan." Nakangiting turan ng matanda habang papasok sila sa bahay.

"Magbibigay nalang po ako ng panggrocery bukas, Nana, para hindi po kami maging pabigat sa inyo."

"Naku, 'wag mong alalahanin 'yon, Hijo. Masaya akong makatulong sa inyo. Oh nandito na tayo. Pagpasensyahan n'yo na ang magiging kwarto ninyo."

"Wala po iyon, Nana. Ayos na po sa amin ito." Sagot ni Rio habang binibistahan ng tingin ang isang kwartong may papag na gawa sa kahoy. Gawa din sa kahoy ang dingding nito at pawid ang bubong imbis na yero.

"O siya. Maiwan ko na muna kayo at ng nakapagpahinga kayo bago maghapunan.

"Salamat, Nana."

Nginitian lang sila ng matanda bago tumalikod. Nauna namang pumasok si Alana at kaagad na umupo sa papag.

"Ano ba ang problema, Alana? Bakit kanina mo pa ako hindi kinikibo? Kahit na isang oras tayong naglakad at dada ako ng dada ay wala manlang akong narinig mula sa'yo. Kung hindi ka nga tinanong ni Nana kung bakit ka tahimik at kung ano ang gusto mong kainin hindi ka pa magsasalita. May nagawa ba akong kasalanan sa'yo?" Tanong nito sa kanya ng makapasok na sila sa kwarto.

"Ano naman ang sasabihin ko? Kaya mo namang magdesisyon ng wala ang pahintulot ko, 'di ba? So bakit pa ako kikibo?" Sagot nito sa kanya.

"Shhh! Hinaan mo lang ang boses mo. Baka marinig tayo ni Nana. Baka isipin pa n'on na nag aaway tayo." Mahinang saway ni Rio kay Alana.

"Eh bakit hindi kita aawayin? Eh hindi mo manlang ako binigyan ng pagkakataong humindi sa mga kagustuhan mo. Look where we are now. Nasa isang liblib na lugar na wala manlang kahit na kuryente. Hindi sa nagrereklamo ako ha? Kailangan din nating makibalita sa nangyayari sa labas. Paano na ang kaso? Paano na ang problema ko kay Mr. Stermon?" Pagalit na tanong ni Alana kay Rio pero mababa na ang boses nito.

"Don't worry, bago tayo umalis ng Palawan kanina may kinausap na akong tao na mag iimbestiga sa mansyon ng Mr. Stermon na iyan. Once in a while ay ioopen ko itong phone ko kung may message mula sa kanya. May powerbank naman ako kaya hindi ako nag aalalang malowbat kakahintay sa text niya. Magpapabili nalang tayo ng generator sa bayan para lumiwanag itong bahay. Pati na electric fan para hindi ka mainitan. Masosolve din itong problema mo. Ang mas importante sa akin ay mailayo muna kita mula sa mga taong naghahanap sa'yo. Your face had been all over the news because of me. Hindi malabong mapanood ng Mr. Stermon iyon o ng isa manlang sa mga tauhan niya ang interview mo. Mas dilikado ka kung pagala-gala lang tayo sa mata ng media at nakakasalamuha ng iba't ibang tao. Hindi natin alam kung sino ang kalaban mo. Gusto ko lang maging ligtas ka, Alana, and curse me for being selfish pero gusto kitang masolo."

Hindi nakaimik si Alana sa sinabi ni Rio. Naguiguilty siya sa pagtataray niya dito samantalang walang hinangad ang lalaki kundi ang ikabubuti lamang niya.

"Huwag kang mag aalala. Hindi tayo mauubusan ng panggastos kahit isang taon pa tayong nandito. Nakapagwithdraw ako bago umalis ng Palawan. Mas makabubuting hindi rin tayo gumamit ng kahit na ATM para hindi nila matrace ang kinaroroonan natin. Maski sina Josh ay walang alam dito. Magpalamig na muna tayo dito habang inaasikaso ng kinuha kong imbestigador ang problema mo kay Mr. Stermon."

"Sa-salamat, Ralph. And sorry for being short-tempered and childish." Nakalabing ani Alana kay Rio.

"Ang cute mo kapag nagpapout, Alana. Hmmm. Can I just call you 'baby'?" Inirapan siya nito kaya napatawa siya. "Oh bakit? Masama ba? You'll soon be my girlfriend kaya siguro naman ayos lang na tawagin kitang baby ko. Para kasing baby. Saka baka matawag kita sa pangalan mo kasi nasanay naman akong tinatawag kang Alana. Siguro naman makakasanayan ko ring tawagin kang baby ko."

"Tse! Ewan ko sa'yo. Doon ka nga muna sa labas. Magbibihis lang ako." Tumayo si Alana at naghalungkat ng damit sa bag na dala.

"What's the use of going out? Eh halos nakita ko na iyang buong katawan mo. Ilang beses ka na kayang nagswimsuit sa harapan ko. Saka nakita ko na iyang 'ano' mo ng minsan. Sumilip kasi ang pintuan ng langit ng itaas mo ang paa mo habang kumakain tayo sa pool noon." Natatawang sabi ni Rio.

"Ralpppphhhh! I said get out!" Sigaw ni Alana sabay bato ng hawak na tshirt kay Rio.

"Hahaha! Okay fine. Lalabas na po." Pero imbis na lumabas ng pintuan ay lumapit ito sa dalaga at ninakawan ito ng halik sa labi. "I'll make sure magugustuhan mong kasama ako, Alana. Papaligayahin kita ng buong puso." Makahulugang sabi niya sabay kindat. Nakita niyang namula ito at akmang aambahan siya ng sampal kaya agad siyang tumalilis palabas ng kwarto habang tumatawa.

Narinig niya ang pagsigaw nitong muli sa pangalan niya kaya lalo siyang natawa.

"Magiging ligtas ka sa piling ko, Alana. Mamamatay muna ako bago ka makuha ng Mr. Stermon na iyon."

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now