"Aira.. Gagawin 'ko lahat.. Gagawin 'ko lahat para gumaling ka. Gagaling ka hon. Hindi ka mawawala samin." niyakap 'ko na lang uli siya at tsaka umiyak ng umiyak.

"Wag kang umiyak. Mas nahihirapan ako. Kung magiging mahina ka, saan ako kukuha ng lakas para lumaban?" pinunasan niya na yung mga luha 'ko.

"Tahan na. Tahan na." ngumingiti siya sa akin. "Pipilitin 'kong lumaban at maging malakas.." 

Hinalikan 'ko siya sa labi. 

"Mahal na mahal kita Aira. Mahal na mahal kita.." 

...

...

...

Ilang oras pa, saktong alas-dose ng tanghali kami nakarating dito sa Pilipinas.

Pag-sakay namin ng taxi, tinawagan 'ko agad si Bernadette.

"Dette, oo, nakasakay na kami ng taxi. Ihanda niyo na lahat." 

"Sigesige, mag-ingat kayo ha. Eto na Kevin.. Konting tiis na lang.." masayang sabi sa akin ni Bernadette sa kabilang linya.

"Hon, ano yun?" tanong ni Aira sa akin.

Hmm, ano bang sasabihin 'ko? Surprise yun eh.

"Ahm, pinag-hahanda 'ko siya ng mga pagkain hon." nakangiti 'kong sabi.

Ilang minuto pa, pababa na kami ng taxi.

Oo nga pala. Mas nauna ang flight nila Bernadette sa amin pauwi dito sa Pinas. Pinag-usapan talaga naming lahat to.

"Owmayghad Airabelsss! Halika na! Mag-ready ka na!" masayang salubong ni Von kay Aira at ipinasok na ito sa loob ng bahay.

Bestfriend -Slash- Bedmate (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now