Prologue

14 0 1
                                        

Prologue:

Maraming nagbago simula nang iwan ako ni Anthony. Simula sa eksenang hindi ko inaasahan. Sa tamang panahon magiging akin ulit siya. Sa tamang panahon lahat maitatama na ang mga mali.

"Allison, umakyat ka na. Tapos na ang recess." Sabi ni T. Rj. Tumango ako at umakyat na. As usual nadadaanan ko ang room nila dahil magkatabi lang naman. Haist. Siguro naka-move on na rin yon. Pero hindi e. Bakit lalandiin ni Kate yung taong nasaktan? Haist bakit ba yon yung pinoproblema ko?

~*~

Ang balak ko lang ngayong araw na to ay ang magspend ng time kasama si Kirsten. Yes kase bumalik na si Jayme sa kung saan siya nakatira na kaya di ko na ulit siya makakasama. Pero in the brigh side nandito parin si Kirsten. Pumunta kami sa Yellow Corner. Andami kong magagandang alaala sa Yellow Corner. Nung kami pa ni Anthony.... pero.... hay nako bayaan ko na! Basta isipin ko nalang na masarap ang pagkain dito kahit totoo naman. Pero hindi ko mapigilang maalala yung dati.

Nandito kami ni Anthony sa Yellow Corner. Parang tanga niyaya ako kahit umuulan. Pero bayaan na natin basta kasama ko siya hihi dejk HAHAHA. Kumuha ako ng number. Da-dalawa lang ang costumer dito kase nga umuulan pero pag hindi umuulan andami. Pang number 7 kami ni Anthony.

"Number 7." Sabi nung tindera.

"Ako na oorder. Ano sayo?" tanong ni Anthony

"Fries, Burger, Shake. O ito." Sabi ko sabay abot ng pera ko. Pero tumanggi siya.

"Wag na libre ko na." Sabi niya. Napatunganga ako.

"Seryoso ka? Andami kong order." Sabi ko sakanya.

"Okay lang naman." Sabi niya. Tinago ko nalang ang pera ko.

Hindi ko na mapigilang umiyak tuwing naaalala ko yan.

"Anthony, oh." Sabi ni Kyrie at inabot yung binili kong pagkain para kay Anthony.

"Huh?" nakakapagtakang tanong niya.

"Si Aj nanlibre ano ka ba." Sabi ni Kyrie. Tinanggap niya na ang pagkain at napangiti ako.

Ayan na talaga. Unti-unting tumulo ang luha ko.

"Anthony bakit ka ba kase nakatingin kay Aj?" tanong ni Kyrie. Namula ako sa sinabi ni Kyrie. Nakatingin si Anthony omg.

"Luh hindi ahh."

"Anong hindi?! Kanina ka pa kaya nakatingin diyan! Muntikan ka na ngang masagasaan e!" sabi ni Kyrie. Napatawa ako sa sinabi niya. Haist.

Bumuhos na ang luha ko. Ang sakit. Kaya ayoko ma-inlove sa best friend ko dahil mahirap! Pag naging kayo tas nagbreak kayo mawawala na ang lahat. Pati pagkakaibigan niyo.

"Aj, okay ka lang?" tanong ni Kirsten. Tiningnan ko siya ng masama.

"Sa tingin mo ba okay lang ako?" sabi ko sakanya. Naula siya. "I just need an alone time." Sabi ko at lumabas ng Yellow Corner. Umiyak nalang ako. Pero napatigil din nang ma-realize ko na yung boses nila Kate at Anthony. Agad akong pumasok at pinunasan ang luha ko. Kung iiyak lang ako sa harap nilang dalawa ay makikita nilang hindi pa ako naka-move on at mahina ako. Ayokong isipin nila yon dahil sa tamang oras lalaban ako. Lalaban ako para maibalik sakin si Anthony.

Habang kumakain kami ni Kirsten ay hindi ko mapigilang masuka sa ka-sweetan ng dalawa. Dejk di ako sumuka no kadiri. Pero mas kadiri yung ka-sweetan ni Anthony at Kate. Di naman kami ganyan e. Normal kami no. Hindi kami malanding sweet di kagaya ni Kate na malandi na nga mangaagaw pa. Ganon din yun e HAHAHA.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Jan 21, 2017 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

The Girl That You LovedPříběhy, které tě pohltí. Začni objevovat