Chapter 1

139 7 2
                                        

AlwaysOnThirdPerson

"Leen!!!!" Masayang sigaw ni Sarah habang tumatakbo papunta kay Kathleen, "good morning Sarah, whats wrong?" bati ni Kathleen.
"Wala lang, mag-isa ko palang kasi na babae sa classroom eh. And the boys are talking bout some stuff I dont wanna effin hear" sabi ni Sarah sabay kabit kay Kathleen.
"Ok, sabay na tayo umakyat then" sabi ni Kathleen, Sarah nodded in response.

Umakyat ang magkaibigan papunta sa kanilang classroom, which is located in the 2nd floor of the building. Pagtingin ni Kathleen sa bintana ng kanilang classroom ay nandoon ang kanilang kaklase na sila Nico, Mico, Marc at Anthony na tawa ng tawa, si Marc nasa floor na. Yung mga arm chair nila ay naka kalat na.

"Ayusin niyo yung classroom please." Sabi ni Kath pagpasok sa room kasama si Sarah. Binaba na ni Kath ang kanyang bag sa tabi ng upuan niya.

"Oo na" pakusilap na sabi ni Mico,
"Alright" bored na sabi naman ni Nico. Sabay pa talaga nagsalita ang mag kapatid. They're both identical twins, identical na sana pero mas matangkad si Nico keysa kay Mico. You can easily tell who is who.

Sinimulang ayusin na ng mga lalake ang kanilang classroom.

"Ganda pa naman ng pinag uusapan namin kanina" patawang sabi ni Anthony, natawa naman yung iba.
Biglang nairita si Sarah, "Bilisan niyo nga, malapit na ang assembly. Kung ano-ano pa pinaguusapan niyo kanina" humarap si Sarah kay Marc, "Lalo ka na Marc!"

"Lalake nga diba?" Palokong sabi ni Marc kay Sarah. Pinisil ni Sarah ang pisngi ni Marc ng sobrang lakas,"aray! Hoy! Ouch!"
"cute ka na sana kung di ka ganyan". Marc is a chubby guy, close siya sa mga kaklase niya. Gustong gusto siya pisilin ng mga babae niyang kaklase.

"Ays! Buti pa si Marc!"palokong sigaw ni Anthony na may pagkahalong irita. Humarap si Sarah kay Anthony sabay turo, "ikaw naman Anthony, abnormal ka kasi"
"Ouch.." Biglang tumalikod si Anthony at tumingin sa bintana, "hoy, joke lang naman, grabe ka" sabi ni Sarah.

Biglang tumingin si Anthony pabalik kay Sarah, "mas grabe ka kaya, yung joke mo, sinaktan ako"
The epic part is may biglang sumigaw, "Oowwhhhh!! Dammnn!" Sigaw ni Kathleen na nakaupo sa kanyang upuan sa dulo ng room, "wag ka nga Leen!" Inis na sigaw ni Sarah.
Tumawa yung mga boys na nag aayos ng armchairs, pati na rin si Anthony
"Haha, peace!" Sabay peace sign ni Kathleen.

Lumapit si Sarah kay Kathleen at pinalo niya ito sa balikat, "aray!"—hinawakan ni Kathleen ang kanyang balikat—"Sama mo".
Biglang napatawa si Anthony, "joke lang naman niya, grabe ka", tumawa naman ng onti si Kathleen.
Tumingin si Sarah ng masama kay Anthony, tapos kay Kathleen. Inobserbahan niya silang dalawa, pabalik-balik ang tingin. "Pinag usapan niyo ba ito?" Tanong ni Sarah kay Kathleen with half-closed eyes, tila inoobserbahan si Kathleen

"Wala lang, biglaan lang" sabi ni Kathleen, tumingin siya sa paligid ng classroom. "Nasan na ba yung iba? Tayo palang ang grade 8" sabi niya.
Biglang nagbukas ang pintuan at nanduon si Liezel, "yes! Buti di pa ako late!" Sigaw niya.
"Good for you" sabi ni Anthony, pumunta si Liezel sa kanyang upuan at inilabas ang kanyang notebook, "nagawa niyo ba yung assignment?". Nico and Mico's eyes widened, mukhang di yata nila nagawa.
"Yeah, I did" sabi ni Kathleen, "diba sa notebook isusulat?" Tanong ni Marc.
"Di raw, sa 1 whole paper dapat" sagot ni Liezel.

Sabay ng sigaw ni Marc ng "nooo!!" Ay nag ring na rin ang bell, natawa yung mga magkaklase. Halos di na narinig yung sigaw ni Marc dahil sa bell. Tawa ng tawa ang magkakaklase.
When they caught back their breaths, bumaba na sila sa School court to form their line in the morning assembly.

Always On Third PersonStories to obsess over. Discover now