The 2nd Chapter

24 0 0
                                    

As I open my eyes para sa panibago kong kabanata, mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at humarap sa salamin.

"Ew, Micheana you're disgusting"

Nakita ko kasi sa salamin ang presensya ni Sadako dahil sa buhok ko na gulong-gulo. Pati narin ang natuyong laway sa bibig at ang morning glory sa mata ko. Haisst!

Tinitigan ko lang ang sarili ko sa salamin at gumawa ng mga kabuluhan na ekspresyon sa mukha ko. Agad naman akong napatingin sa phone ko nang may nagtext which is si Corra:

'15 minutes. Hihintayin kita sa gate ng bahay niyo'

And again humarap ulit ako sa salamin na kung saan nakataas ang isa kong kilay at dahan-dahang kinuha ang Hairbrush ko. Kinuha ko din ang phone ko at nagscroll ng mga music and hell yeah!

Now playing: Take a Hint by Victorious

♪ Why am I always hit on by the boys I never like ♪

♪I can always see 'em coming, from the left or from the right♪

Hinawakan ko ang hairbrush at itinuon sa bibig ko. Dahil sa napaka-energetic ng kanta ay nakisabay ako.

"♪I don't want to be a priss, Im just try'na be polite But it always seems to bite me in the..♪"

Umakyat ako sa kama ko at gumawa ng iba't ibang pose at tumalon-talon. Nang malapit na sa Chorus ay pinaandar ko ang electric-fan at humarap dito.

"Get your hands off my hips, 'fore i'll punch you in the lips Stop your staring at my.. Hey!"

Mas pinakiramdaman ko pa ang music at feel na feel ko na parang nagko-concert ako. Kinuha ko ang towel at rumampang pumunta sa cr upang doon magpatuloy.

"Take a hint, take a hint! No you can't buy me a drink, let me tell you what I think, I think you could use a mint! Take a hint! Take a hint! Lalala T-take a hint! Take a hint!"

At sa tingin ko ay pagkatapos ng kanta ay tapos na rin akong mag-ayos at handang handa na para sa araw na to.

Or not.

▷◑▷◑▷◑▷

Physics Room. 8:00am

"Okay. To those who already finished answering their paper, please put it on the table and you may leave"

Arrrgh! Bakeet! Bakeet! Bakeet! Bakeet ko nakalimutang may quiz pala kami ngayon sa physics?! Argh! Halos masabunutan ko na ang buhok ko dahil sa inis! Masyado pa din naman akong na-carried away kanina sa kanta at hindi na ako nakapag-review!

Ang mas kinaiinisan ko pa eh kung ano ang kinalaman ng physics sa kurso kong sikolohiya?!

And now tell me. Sino sa tingin niyo ang makakatapos sagutin tong 1-5 na kayhabang solvings in just 30 minutes?! TELL ME!

And so nakaupo ako ngayon sa gilid ng bintana sa second row, nakapangalumbaba at pinagmasdan na lang ang mga nagliliparan na mga ibon at ang mga building ng St. Clemen College.

"Miss De Jesus, are you done answering your paper? Please put---"

"Uhm 5minutes pa po Mam" sabi ko sa kanya at tinignan muli ang papel ko. Ang number 1,3 and 4 palang ang naansweran ko tapos hindi pa ko sigurado sa sagot ko malamang mali to. Aissshh. Stored knowledge nalang ang tanging inaasahan ko, ang hina ko pa naman sa mga solvings nakakasakit sa ulo!

"Mich, need help?" rinig kong bulong ni Corra mula sa likuran ko at nilingon sya. Napansin nya siguro na nahihirapan akong sagutin ang quiz namin. Nilingi-lingi ko ang ulo ko "Thanks Cor, but I need to answer this on my own. Kaya ko to no need to worry hehe" at ibinaling ko ang tingin ko sa papel.

Hay. Bahala na.

"Hoy Micheana, tulala ka na naman dyan yung chicken sandwich mo nilalangaw na"

"Wala akong pake. Ipakain mo nalang sa kanila" sabi ko na tila wala sa sarili. Paano naman kasi hindi ako makaget-over kanina sa score kong 18 sa 25items na quiz kanina sa physics! Alleluia! Nakatsamba ako! Narito nga pala kami ngayon sa garden hall at nakaupo sa damuhan, wala na kaming klase at napagdesisyunang magmeryenda muna bago umuwi.

"Hoy Micheana wag kang ganyan baka mabatukan kita dyan ha!"

"Subukan mo lang" pabulong na sabi ko.

Naramdaman kong akma sana akong babatukan ni Corra pero nakuha ang atensyon ko ng may nakita akong dumaan na estudyante na may bitbit na gitara. Sinundan ko yun ng tingin at napabuntong-hininga.

"Hoy Micheana! Okay ka lang? Sino ba yung sinusundan mo ng tingin?" tanong sa'kin ni Corra.

"Ha?! Ah wala naman. Corra anong oras na ba?"

She checked the time on her phone "It's almost 4 bak---" hindi na nya napatapos ang sasabihin nya dahil kinuha ko ang bag ko at tsaka tumayo.

"Sorry Cor, hindi ako makakasabay sayo umuwi. Aalis na ako" pagpapaalam ko at tumakbo palabas ng campus.

@CafeHotspot

Lumapit ako sa bagong dating na customers at pinaupo. Kinuha ko ang notepad sa bulsa ko at binigyan sila ng matamis kong ngiti.

"Goodevening Ladies, what would you like to order?"

Nagkatinginan silang dalawa at tila nag-iisip kung anong gusto nila.

"Jane, ano bang gusto mo?" tanong ng babae na kulot ang buhok. I think they're both highschool student.

"Uhm kahit ano nalang. Ano bang gusto mo?" pabalik na tanong naman ng babaeng maiksi ang buhok.

"Hindi ko rin alam eh. Pili ka na ng gusto mo at kung ano sayo ganun na din sa'kin" sabi naman ni Kulot.

Seriously? Kahit ba naman sa pagkain ay pahirapan ding pumili kung anong gustong kainin? Hay nako!

And after 5 minutes of waiting ay nailista ko na din sa wakas ang gusto nilang kainin.

MicheanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon