Library

85 9 0
                                        

Isang tahimik at payapang lugar. Mga aklat sa paligid, mga upuan at lamesa na nagsisinagan ng liwanag ng galing sa ilaw sa taas. Saksi sila.

Saksi silang lahat kung paano ko nakasama ang babaeng pinakamahalaga sa buhay ko. Kung paano ko mahawakan ang bituing pilit kong inaabot noon.

"Jake?"

Minulat ko ang mata ko para makita ang babaeng mahigpit ang hawak sa aking kamay.

"Hmmm?"

"Tara na?"

Nakaramdam ako ng panandaliang sakit nang bitawan niya ang kamay ko at tumayo. Tumayo din ako at umikot sa lamesa para makalapit sa kanya.

"Let's go." inabot ko ang kamay niya pero iniwas niya lang ito.

Anong ginagawa mo?

No. Mali pala ang tanong ko. Dapat pala ay ano ang ginagawa ko? Huminga ako nang malalim at hininto ang ginagawa. Sinabayan ko ang ngiti niyang matamis ng isang mapait at pekeng ngiti.

"Mauna na ako, Jake!" nauna siyang lumabas at iniwan akong nagiisa dito sa sobrang tahimik na silid.
Pumikit muna ako ng mariin at huminga ng malalim bago umalis ng lugar na ito, sa library.

Dapat ay masanay na ako. Dapat ay sanay na ako. Sa anim na buwan naming magkasama ay lagi namang ganito ang eksena kaya dapat masanay na ako.

Paglabas ko ng silid sumalubong agad sa akin ang sariwang hangin at mga naglalakad na ibang estudyante. Tanaw ko ang kanyang paang naglalakad pa alis. Nang mawala na siya sa paningin ko doon pa lang ako nagsimulang maglakad paalis.

Pumasok ako sa susunod kong klase. Tulala akong nakatingin sa teacher na nagsasalita sa harap.

Nang maguwian bumalik ako sa library at umupo na sa pinakadulo, ang favorite place ko... namin.

Dumaan ang ilang minuto at natanaw ko ang babaeng papunta dito. Tumayo ako para salubungin sana siya pero habang papalapit siya ay natatanaw ko na ang namumugto niyang mga mata.

Gustong gusto kong magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong magpadalos dalos.

"U-uhm..." nagsalita na ako pero ba't ganoon parang wala man lang siyang reaksyon.

Nananatili lang siyang nakatingin sa akin. Habang sinusuklian ko ang mga titig niya kita ko ang pagmuo ng luha sa kanyang mga mata.

Kinabahan ako dahil ayaw niyang magsalita, pansin kong biglang may kumawalang luha sa kanyang mga mata at nagtuloy-tuloy na ang pagbagsak noon.

"Jake..." nagsalita siya at doon lalong humagulgol.

"Trixie, may problema ba?" tanong ko ng bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

"J-jake tandaan mo ito... m-mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo" pagtapos niyang sabihin ang mga salitang iyon bigla niyang binitawan ang mga kamay ko at dali-daling lumabas ng library.

Gusto kong sundan siya pero tila na pako ako sa kinauupuan ko dahil sa mga salitang narinig ko.

Ano ang ibig niyang sabihin? Alam kong mahal niya ako. Bakit kailangan pa niya iyon sabihin? Saka bakit siya umiiyak?

Lumipas ang isang linggo ng 'di na kami nagkikita. Walang mintis ang pagpunta ko sa library at walang mintis ding hindi siya nagpupunta.

Ba't ganon anong nangyari? Kahit na kating kati na akong puntahan siya kung saan siya naka room at lapitan hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi hindi pwede.

Tiniis ko ang hindi paghahanap sa kanya. Hindi ko rin siya makita kahit saan. Pero maghihintay ako. Maghihintay ako kasi alam kong dadating ka. Babalikan mo ako. Alam ko kasi mahal mo ako.

Library [One Shot Story]Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora