True Feelings
-
-
-
-
-
Short story
****
Magtatatlong taon ko ng dinadala sa puso ko 'tong true feelings na sinasabi nila para sa babaeng minamahal ko,magtatatlong taon na.
Bukas,magtatatlong taon na 'tong nararamdaman ko sa kanya pero kahit na ano pa ang gawin ko alam kong hindi katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya dahil isang hamak na bestfriend lang naman niya ako.Ayokong mawala ang pagiging magkaibigan namin dahil lang sa nararamdaman ko at ramdam ko rin sa kaya na ayaw niyang mawaka kung anong meron kami dahil lang lang sa pesteng feelings na 'to na ayaw magpapigil.
Takot akong mag iba ang tingin niya sa akin kapag narinig niya ang mga katagang alam kong kahit kailan na ayaw niyang marinig.'Mahal kita Alexa', yan ang gusto kong sabihin sa knya noon pa pero ayaw lumabas sa bibig ko yan dahil baka may magbago na kinatatakutan ko,kaya pinili kong huwag munang sabihin sa kanya dahil mahal ko siya at takot akong mawala siya sa akin dahil lang sa mga salitang bibitawan ko.
Sa tinagal-tagal na panahong nakasama ko siya,doon ko naramdaman na mahalaga siya sa akin dahil sa sayang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko siya.Masaya akong masaya kaming dalawa dahil sa sa masasayang bagay na ginagawa namin araw-araw.
Sobrang nagpapasalamat akong nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya,yung tipong kabigan na nagagawa ka niyang mapasaya sa mga simpleng bagay na nagagawa ninyong kayong magkasama.siya rin yung tipo ng kaibigang hindi nakakasawang tingnan dahil sa mga dala niyang kwento araw-araw tungkol sa mga bagay-bagay na nagpapasaya sa kaniya
Hindi siya nakakasawang kakwentuhan sa isang araw dahil masaya siyang kausap at ang mga ngiti niyang lalong nagpapaganda sa kanya.
Masaya ako tuwing magkausap kami.masaya ako tuwing nagkikita kami at may dala siyang mga panibagong kwento. Masaya akong nakikita siyang nakangiti parati,natural ang saya kapag magkasama kami at dahil sa masaya ako hindi ko alam na ang kapalit nito ay ang unti-unting pagkahulog ko sa kanya.
Kahit ano pa mang pag-pigil ang gawin ko dito sa nararamdaman ko hindi ito nagbabago at alam kong hindi na ito magbabago pa dahil siya lang ang isinisigaw ng puso ko.Inaamin ko na sa una pa lang nagkaroon na ako ng kaunting pagtingin sa kanya pero hindi ko alam na habang tumatagal lumalalim pa 'tong nararamdaman ko sa kanya.
Pero hindi ko kayang kimkimin na lang 'to.Bukas na bukas sasbihin ko na sa kanya,hindi ko alam kung paano pero ang mahalaga ay masabi ko.
Hindi ko alam kung paano ko masasabi sa kanya dahil tintamaan ako ng katorpehan,Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi nman ako magaling sa mga ganito
Siguro madadaan ko to sa sulat.Sa sulat ko lang malalagpasan 'tong katorpehan ko
Hindi ko alam kung ano man ang magiging reaksiyon niya,pero ang hiling ko lang ay sana hindi mawala kung ano lang ang meron kami,meron o wala mng magbago.
