Prologue

82 2 1
                                        

"Miss! Huwag kang tatawid!"

Fuck you Dale. Isang malutong na mura para sa'yo. Wow.

"Miss! May motor!"

Ang gwapo mo para gaguhin ako. Teka, bakit ba ako umiiyak? Ayoko n---

*BOOOOOGSH*

Lord, nasa langit na po ba ako?

"Miss okay ka lang? Huy?"

Lord, ayoko pa po mamatay pero kung ganito ka-gwapo mga anghel dito sa langit huwag mo na ako ibalik sa lupa. Nasasaktan lang ako doon eh.

"Tapos ka na ba tumitig?"

HA? TEKA ANO DAW? Akala ko ba mababait mga anghel sa langit eh bakit napaka-kapal ng mukha ng isang 'to?

"Excuse me?" Sabi ko.

"Wow. Yan lang sasabihin mo? So much for saving your life." Inis niyang sabi habang hawak braso niya.

"Teka bakit ba? Bakit mo kasi ako niligtas? Sinabi ko ba?" Sigaw ko naman.

"Muntik ka nang mamatay baka sakaling 'di mo alam. Sigaw ako ng sigaw na huwag kang tatawid pero tumawid ka. Gago ka ba?" Ang sungit naman neto. Sarap upakan eh kung hindi lang ako niligtas neto.

"O edi thank you. Dapat 'di mo nalang ako niligtas. Tutal wala naman nang silbi buhay ko." Hay. Gago ka talaga Dale. Ang sakit ng ginawa mo sa akin na ugok ka.

"Thank you? Thank you lang? Hindi na uso ngayon yang thank you lang uy! Hmmm.. Laro tayo. Isang daang sige o ayoko. Game? Kapag umabot na ng isang daan.. Dun ko lang tatanggapin ang thank you mo." Nakangisi niyang sabi.

"Hindi kita gets." Sabi ko.

Tinitigan niya lang ako habang nakangisi.

DON'T TELL ME. DON'T TELL ME.

OH NO.

NO.

NO WAY.

"Isang Daang Sige o Ayoko"Stories to obsess over. Discover now