Tumango tango lang ako at kumain na din ng inihanda niyang breakfast .then nakatitig naman siya sakin habang kumakain .
Bakit ???
Umiling lang siya , and piningot ang ilong !
Yan kana naman eh ! Naiinis pako kunwari
Cute mo kasing kumain .
Inirapan ko naman siya !
***
Nakauwi nako ng bahay ! Wala si mommy malamang nasa hospital na yun nakaduty ! Si daddy lang ang naabutan ko dahil Sunday ngayon wala siyang pasok ..
Alex , anak ! San ka ba nanggaling ? Nag alala kaming lahat sayo .
Niyakap niya naman ako , all this years . siguro kahit nung baby pa ko , mas malapit talaga ako kay daddy ! At siya lagi ang kakampi ko .
Sorry po ! At yumuko naman ako .
Wag mo ng uulitin yun ha ? Kung ano man ang nangyari kagabi ,. Wag kang mag alala anak ! Magiging okay din ang lahat sa Bahay na to .
Tumango tango lang ako , at umakyat na sa taas !
Imbis na dumiretso ako sa kwarto ko , sumilip ako sa kwarto ni ate A (ey) . wala namang pinagbago ito ! Ganito pa din ang ayos nito pero malinis kasi araw araw nililinis ni mommy to . Oo siya ang naglilinis dito ! At ayaw niyang may gumagalaw sa gamit ni ate A dito !
Nakita ko yung picture namin ni ate na naka frame na nasa table lamp ! Kinuha ko ito at umupo ako sa kama ..
Pumikit ako at inalala lahat ng mga naging sagutan namin ni mommy kagabi ..
ang sakit isipin na hanggang ngayon , kinukumpara niya pa din ako sayo , ate ano bang naging kasalanan ko ? Lahat naman ng pag intindi ko , ginawa ko diba !? Pero hanggang kailan ? Hanggang kailan ako makukulong sa buhay na hindi ko ginusto , sa buhay na hindi ako masaya ! Sa buhay na alam kong hindi ako para dito ..
At heto nanaman ako , di mapigilang umiyak !
---
Chinnie PoV
Paglabas ko ng kwarto , napadaan ako sa kwarto ni A (ey) at napansin kong nakaawang ang pinto nito !
Pagsilip ko sa kwarto nakita ko si Alex , nakaupo sa kama habang hawak hawak ang litrato nilang dalawa ng kapatid niya habang umiiyak !
ang sakit isipin na hanggang ngayon , kinukumpara niya pa din ako sayo , ate ano bang naging kasalanan ko ? Lahat naman ng pag intindi ko , ginawa ko diba !? Pero hanggang kailan ? Hanggang kailan ako makukulong sa buhay na hindi ko ginusto , sa buhay na hindi ako masaya ! Sa buhay na alam kong hindi ako para dito ..
![](https://img.wattpad.com/cover/86171710-288-k982571.jpg)
YOU ARE READING
MY TANGI
Teen FictionPaano kung yung mga taong nag paiyak at nang iwan sa inyo noon , ay bigla nalang bumalik para bawiin yung dapat na sa kanila , Ipagapapatuloy niyo ba ang nasimulan niyong pagmamahalan or bibitawan niyo ang isat isa kasi alam niyong yun ang kailanga...
Chapter 17
Start from the beginning