Prologue

48 0 0
                                        

Malay. Nagkamalay lang ako nang mismong pagkakataong ito. Masakit pa ang ulo ko at sinusubukan kong ayusin ang paningin kong umiikot pa nang kaunti. Sinusubukan ko ring galawin ang mga daliri ko. 

 Kinakabahan? Oo, siguro. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Asan ba ako? Bakit ako nandito? 

 "J-jessica." 

 Lumingon ako sa bandang kaliwa ko para tingnan ang nagsalita. Payat siya, mga bandang 20's ang edad. Hindi mahaba ang buhok niya, hindi rin maikli. Maganda naman siya. Sino siya?  

"S-sandali lang tatawag ako ng nurse." Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. "Nurse! Nurse!" Rinig ko pang sigaw niya. 

 "J-jessica?" Bulong ko sa unang pagkakataon. 

 Sinubukan kong bumangon pero napahiga rin agad ako. Ang mga tanong ko kanina ay lalo pang nadagdagan hanggang umabot ako sa tanong na-- 

 "Jessica!" Dumating ulit ang babae kanina at inalalayan akong umupo kasama ng isang nurse.

 "--S-sino kayo? Sino ako? Bakit wala akong maalala?!" Agad na nagtinginan ang babaeng payat at ang nurse. Tumingin pabalik sa akin ang babaeng payat. "Jessica, ako 'to, si Sooyoung." Nanginginig ang boses niya. Halos magdikit na ang kilay niya sa pagkunot niya ng noo. Hindi naman nakatulong ang sinabi niya. Hindi ko pa rin siya kilala. Kaano-ano ko ba siya? 

 "Miss, ikaw na muna bahala sa kaniya, tatawagan ko lang ang relatives niya." Tumango ang nurse at muling lumabas si Sooyoung sa kwarto. "Krystal..." Yun lamang ang inabot ng pandinig ko. 

 "Miss Jung, nararamdaman niyo po ba ang mga binti niyo?" Tanong sa akin ng nurse. 

Sa totoo lang, gusto kong magwala. Ang dami kong gustong malaman pero ni isa sa mga tanong ko wala akong maisagot. Lalo pa ngang nadadagdagan "Uhm, Miss Jung?" Natauhan ako at pinakiramdaman ang binti ko. Pinalo ko. "Aray!" 

 Napatingin sa akin yung nurse at parang nagpipigil ng tawa. Bigla namang bumukas ang pinto at sa pagkakataong ito hindi lang si Sooyoung ang pumasok. "ANONG NANGYARI?!" May kasama siyang babaeng singkit. Nakakabingi ang lakas ng boses. Visible ang cheekbones niya at mukhang alalang-alala silang dalawa ni Sooyoung.

"Jessi! Thank goodness, you're finally awake!" Lumapit siya sakin at niyakap ako ng maghigpit. I felt uneasy, tinulak ko siya. 

"Stop doing things that will make me ask more questions! Nasaan ako? Bakit di ko kayo maalala? Bakit wala akong maalala?!"  Napatingin ang babaeng singkit kay Sooyoung at napailing na lang ito. Sooyoung looked at the nurse and gestured her to do something. 

 "Excuse me po, I'll call some doctors." The nurse rushed out and left me dumbfounded. Sumakit bigla ang ulo ko. "Ahhhh!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. I can't contain the pain. All I want to do is to have even a single memory. Pero wala talaga. 

 "Jessica!" Sigaw nilang dalawa at hinimas ang ulo ko to atleast relief the pain. "Calm down Sica, wala kaming gagawing masama sayo. Kaibigan mo kami, Sica. We miss you a lot, akala namin di mo na kami babalikan." Sooyoung comfortingly said. 

Their eyes both teared up. 

I found myself crying without even noticing it. 

"Jessica? Ako si Jessica? Bakit hindi ko maalala? Bakit hindi ko kilala ang sarili ko?" I shouted. 

"Jessica, it's me, Tiffany. Don't worry Jessi, we'll help you remember everything. Trust us. We won't leave you again. We'll fight altogether." 

Leave you again... 

Fight altogether... 

 My head didn't stop hurting. Sinusubukan kong intindihin ang mga sinasabi nila pero habang pasakit ng pasakit ang ulo ko, unti-unti na rin akong nawawalan ng malay. 

 Malay. 

 

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
Bring Her Voice BackHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin