max pov

167 1 2
                                    

Max's POV:

(authors note:ang pogi ni max sa picture nya no?)

papunta na ako sa room ko galing cr ng may nakita akong babae na nag i-slide  sa hagadan.Nakatingin ako sa kanya,maya maya natawa ako.

"hahaha,miss masarap bang mag slide sa hagdan?"-tanong ko sa kanya . gulat na gulat yung muka niya at napatingin sa akin.hindi siya nakapagsalita,siguro nahiya sa ginawa niya.

sabi ko na lang ulit "sa susunod kasi , magiingat ka na yan tuloy nadudulas ka , kawawa naman yung hagdan."nakita kong nagbago yung facial expression niya , naiinis na yata pero in fairness ha, maganda  siya, kahit na ng slide siya sa hagdan ang cute niya.

kaso nagmamadali na ako eh,wala na akong panahon para tulungan pa siiya, kaya nagpaalam na lang ako sa kanya."sige miss alis na ako, huwag mo ng uulitin yon ah,baka madurog yung hagdan kapag dinurog mo pa yon."pang-aasar ko na lang ulit sa kanya tapos umalis na ako na natatawa at naiiling.

"ano kayang pangalan non,parang pamilyar sakin si ate eh"napaisip ako kung saan ko siya nakita,pero hindi ko talaga maalala.

nang makarating na ako sa room namin wala pang teacher,pumasok ako at iyon pag pasok ko ,meron nagtitilian,nagbubulungan habang nakatingin sa akin.

"di ba si max yan?"-girl 1

"oo nga,kaklase pala natin siya,ang swerte naman natin"-girl 2

"ang gwapo talaga niya no?"

at marami pang iba , sanay na ako sa ganito kaso minsan hindi ko maiwasang  hindi mainis eh.kaya hindi ko na lang sila pinapansin at lumabas na lang ako ulit.

paglabas ko , wala din naman akong maisipang puntahan kaya dumaan ako ulit don sa dinaanan ko kanina,nung malapit na ako sa cr ng mga girls,nakita ko nanaman si ate na nadulas sa hagdan na palabas ng cr ng mga girls.

nilapitan ko siya."hoy ate,anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya

ha?ano?sabi niya.ano ba to laging gulat..mahilig siguro tong uminom ng kape,nerbyosa masyado,pero cute parin siya kahit gulat ah..

"sabi ko anong ginagawa mo dito?"tanong ko ulit sa kanya

nakita kong nagbago ung facial expression niya na parang naiinis.

"ano ba sa tingin mong ginagawa ko dito,muka ba akong naglalaro ha?"hala galit yata.

"nagtatanong lang naman,sungit" ^-^sabi ko sa kanya pero nakangiti parin ako sa kanya ang cute kasi niya eh,pero bakit kaya hindi ako kilala ng isang to?

"grabe naman kasi yang tanong mo,parang engot lang,nakita mo naman akong lumabas ng cr,nagtatanong ka pa."

natawa na lang ako sa kanya ang cute nga kasi niya,nagtataka na tuloy ako sa sarili ko kung bakit hindi ako naiinis dito sa babaeng to,kung iba lang to baka inaway ko na,pero iba kasi tong babae na to eh,hindi man lang kinikilig sa akin,tapos ngayon sinusungitan pa ako.hindi ba ako kilala nito?hindi ko namalayan na nakatingin lang pala ako sa kanya.

"anong tinitingin tingin mo diya?"tanong niya

nagulat ako pero hindi ko pinahalata."hindi mo ba ako kilala?"tanong ko sa kanya kasi parang hindi nagsisink in sa isip niya kung sino ako.

"ha!tinatanong mo ako kung hindi kita kilala?"tanong niya sa akin

"oo"sagot ko naman sa kanya.obvious naman diba.

"siyempre kilala kita,iyang mukang yan"sabay turo sa muka ko"makakalimutan ko ba naman iyan,eh ikaw yung nagtawa sakin kanina nung nahulog ako sa hagdan,imbis nga tulungan mo ako pimagtawanan mo pa ako eh."

==__== hindi nga ata ako kilala ng isang to.

"alam mo miss cute ka sana eh,ang taray mo lang"ang taray kasi eh but still cute pa rin siya ang taba ng pisngi ang sarap kurutin..

"alam ko yung mga bagay na yan,matagal na"sabi niya sa akin "kaya shoopy ka na dyan aalis na ako."sabi nya saka biglang naglakad na,tapos bigla siyang natalisod at napadagan sa akin at ang pinaka nakakagulat don ay..

0_0

0_0

0_0

0_0

0_0

0_0

nadapa siya sa akin at nahalikan niya ako..sa lips..

------------------------------------------------------------------

tapos na POV ni max..

sana po magustuhan nyo..

pero naisip kong ituloy na lang itong story na to kahit walng magbasa mag vote at mag comment..

libangan lang naman eh..

pero tenx na rin sa ibang nagbasa :)

Ang Schoolmate Kong HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon