Chapter 2

64.4K 2.2K 290
                                    



CHAPTER 2

P.S.

Hey Cathy! Magbati na raw kayo ng manliligaw mo na si August! Patawarin mo na raw siya. :D

Matapos kong i-type iyon ay pinindot ko na ang post. Mabilis akong nakakuha ng comments at hearts. Tinatawag na rin akong cupid dahil sa postscript ko.

Napangiti ako dahil kahit papaano ay maganda na naman ang feedback ng blog ko. Kagagaling ko lang sa isang resort kaya nagpost ako ng blog about doon. Kumikita rin ako sa mga ganito dahil maraming nagbabasa ng blogs ko. Napopromote ang mga resort at restaurants nila.

After fifteen minutes ay nakareceive ako ng message galing kay August.

MonthOfAugust:

Ang bait naman! Salamat.Kinikilig siya dahil nabanggit mo raw ang pangalan niya.

LovelyC:

No prob! huwag ka na gumawa ng bagay na pwedeng makagalit sa kanya. Sana sagutin ka na niya! :)

MonthOfAugust:

Thanks! Btw, can I add you up? Will treat you as I've promised.

LovelyC:

Suspicious ka baka mamaya masamang tao ka pala.

MonthOfAugust:

No. Sa gwapo kong 'to? I'm harmless miss Love.

LovelyC:

Talaga ba?Gwapo ka talaga? Sige nga! Anong pangalan mo? Search kita.

MonthOfAugust:

August Lenard Parco.Add mo lang ako kung gusto mo. Inggitin ko lang si Cathy. ;)

Napairap na lang ako nang makita ko yung wink emoji niya. Para akong nandiri pero hinanap ko pa rin ang pangalan niya sa facebook since sinabi niyang mabait naman siya.

In all fairness gwapo nga. Mala model ang profile picture.


LovelyC:

Hindi ka naman kagwapuhan

MonthOfAugust:

Ouch, hindi ako in-add. :)

LovelyC:

See you around na lang, August Lenard Parco! Goodluck sa panliligaw kay Cathy! :D


Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon