Kahit mag-mukhang tanga. Ok lang sakanya, mapatawa lang ako kapag malungkot ako.
Close ang pamilya ko lalo na yung tatay ko.
Magte-text at magte-text kahit na anong busy siya.
Susurpresahin ako, kahit walang okasyon.
Sasabihing maganda ako, kahit mukha na akong ewan.
Walang pakeelam kahit moody ako.
Maiintindihan ako kapag 'meron' ako.
Hindi mahihiyang ipakilala ako sa iba bilang girlfriend niya.
Hindi papayag na lumipas ang isang araw ng nag-aaway kami.
Alam niya kung kailan ako nasasaktan.
Kabisado niya kung ano ang mga gusto at ayaw ko.
Hindi mag-sasawang mahalin ako.
AKO lang walang iba.
Tuturuan ako kapag may isang lesson akong hindi maintindihan.
Hindi mahihirang ibili ako ng sanitary napkin kapag emergency na nagkaroon ako.
Mahal ako kahit maarte ako.
Hindi susuko sa relasyon namen.
Walang puwang sa kanya ang salitang 'pride'
Hinding-hindi makakalimutan yung mga mahahalagang okasyon.
Kapag nangoko, tinutupad.
Mahal ako kung sino ako.
