The Last Pick Up

3 0 0
                                        


Scene 1

Ext. kalsada(labas nang bar). Night

Naghihintay ang isang binatilyo sa labas nang isang bar, may hawak na cellphone at naglalaro nang game.

Maya maya ay may dumating na sasakyan. Sumilip sa loob ang binatilyo atsaka binuksan ang pinto sa passenger seat.


Scene 2

Int. Car. Night

Seryosong nagmamaneho ang babae, ang lalake naman ay tuloy tuloy ang pagcecellphone

Boy: Thanks for picking me up babe. 

Girl: (walang imik)

Boy: Alam mo ba babe, si Andrew, lasing na lasing, pinick up nga sya nang tatay nya eh, kala ko masusuntok pa ang loko.

Girl: (walang imik)

Boy: tapos babe, Si France, magpopropose na daw sa GF nya, kasi gusto na syang iwan ni Bianca for being too immature daw.

Girl:(walang imik)

Boy: Bakit ayaw mong magsalita? May problema ba tayo?

Girl: (walang imik)

Boy: anyway, so ayun nga mag--

Girl: Akala ko ba nasa Batangas ka? Sabi mo birthday nang tito mo.

Boy: Oo, kanina, kaya lang I got bored. Eh nakita ko nag-post sina Miko na nag iinum sila, so pumunta ako. Bakit? Nagsabi ako sayo kanina ah.

Girl: Wala akong narecieve.

Boy: Nagtext ako, tignan mo (checks phone), ayy, di ko pala nasend, sorry.

Girl: (walang imik)

Boy: (resumes playing) oohh ayan sige, barilin mo! wooh panis!

Girl: Carlo, hindi ka pa ba nagsasawa?

Boy: saan?

Girl: Sa ganito. sa lagi tayong ganto.

Boy: na?

Girl: Magkasama nga tayo, pero parang hindi. You're always on your phone.

Boy: Bakit? Ikaw din naman ah, you're always taking pictures. Bago tayo kumain, kahit gutom na tayo, you'll take pictures of our food para sa IG goals mo.

Girl: That's two different things.

Boy: (stops playing phone) So, anong gusto mong gawin ko?

*Silence...

Girl: I opened your messenger awhile ago.

Boy: oh tapos?

Girl: may nagchat sayo, sabi nya excited na raw sya para sa date nyo bukas, excited na raw syang masolo ka.

Boy: bakit mo inopen yung messages ko?

Girl: Bakit mo ako ginagago?

*Silence...

Boy: It's nothing, Kate. Wrong send lang siguro yun.

Girl: (sarcastically)Wrong relationship na 'to Carlo..

Boy: So ano? Break na tayo?

*Silence...

Titigil ang sasakyan sa tapat nang isang bahay.

Girl: 8 years Carlo, 8 years.


Abrupt Fade Out.

-Credits-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UndestinedWhere stories live. Discover now