Martes - 24 Enero 2017

1 0 0
                                    

(Pagbasa: Hebreo 10:1-10; Salmo: Awit Ps 40:2-11)

Mabuting Balita: Marcos 3:31-35

31 Dumating naman ang kanyang ina at ang kanyang mga kapatid; nakatayo sila sa labas at ipinatawag siya. 32 Nakaupo si Jesus at napapaligiran ng mga tao nang may magsabi sa kanya: "Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; hinahanap ka nila." 33 At sinabi ni Jesus sa kanila: "Sino ang aking ina at mga kapatid?"

34 At pagtingin niya sa mga nakaupo sa paligid niya ay kanyang sinabi: "Narito ang aking ina at mga kapatid. 35 Kapatid kong lalaki at kapatid na babae at ina rin ang sumusunod sa kalooban ng Diyos."  

( Ito ay mula sa Katolikong blog na Sa Isa Pang Sulyap - http://saisapangsulyap.blogspot.com )

Daily Gospel (Weekdays) 23 - 28 Enero 2017Where stories live. Discover now