As we were staring into each other eyes, I don’t know why, I just felt my heart skipped a beat for a little while. Napa-blink ako saka bigla na lang napayuko. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko sa mga titig ni ate pero ramdam ko ang kaba sa aking puso na hindi ko mawari kung ano.

“Ahem.”

She cleared her throat kaya napatingin ako ulit sa kanya. Pero umiwas din ako ulit nang tumama ulit ang mga mata namin. I just acted like there’s nothing with me, kaya sumubo na lang ako ng French Fries.

“Whoa!” she said.

“Bakit?” tanong ko naman.

“Kailan ka pa sumubo ng French Fries nang walang Mayonnaise?” nakataas ang isang kilay na tanong niya. Di ko alam ang isasagot sa inakto ko. Yeah, she’s right! Hindi pa ako kailanman kumain ng French Fries nang walang Mayonnaise!

Ngayon pa lang ata matapos akong ma-tense sa mga titig ni ate kaya hindi ko napansin ang Mayonnaise na katabi lang naman ng French Fries ko. Hahay! What’s wrong with me?

“Lernie?”

“H-ha?”

“Are you okay?”

“Yeah! Oo naman!” I lied saka binalewala na lang siya. Kumain na lang ulit ako nang hindi siya tinitignan.

Nang tumahimik na rin siya at mas lalong naging awkward ang sitwasyon ay nag open na lang ako ng topic. I am looking into her eyes again pero iniiwas ko rin naman pag pakiramdam ko ay kailangan ko na ngang iiwas ito.

Gosh! I can’t look straight into her eyes anymore! What’s with me? What’s wrong, Lernie?

“Mabait ba si Ate Christina?” I asked her.

“Not so.” Sagot naman ni ate.

“Why not?” –Ako

“Because it’s not her attitude.”

“Ah. Maganda ba siya, ate?”

“Yeah.”

“Ah.”

Napatango-tango na lang ako. I can’t think straight, too! Kailan ko pa ba kasi pinroblema ang magiging topic namin ni ate? Oh well. Parang ako lang naman ang mukhang ewan dito sa aming dalawa eh.

“Hindi mo siya crush?”

Out of nowhere ay natanong ko na lang. Wait! Saang parte ba ng sistema ko nanggaling yun?

Ngumiti lang si ate ng nakakatukso saka tinaas ang isang kilay bago sumagot. Syet! Ang ganda-ganda niya talaga pag ginagawa niya yan!

“Tama bang magustuhan ko siya, Lernie?”

“Eh, why? Of course, yes! She’s a girl and you like girls, right?” mahina kong sagot sa kanya.

“But she’s our cousin, remember?”

Ah, yeah. Tama nga pala. Pinsan nga pala namin siya. How could I forget? Tss.

“Pero ok lang naman yun. Crush lang naman. And crush means paghanga. That’s it.” Nasabi ko na lang.

“Well, I like the way she talks, kasi malambing ang boses niya. I like the way she walks, kasi parang mag mo-model siya. I like the way she laughs, kasi magaganda dimples niya. Yun lang.” she said then she smiled for a while at sumubo na rin ng French Fries.

Impermissible Love (Lesbian Stories)Where stories live. Discover now