Tinalukuran ko siya at nagcross arms. "Ano naman ang ginagawa mo dito Francis Mark Perez?"

"Teka? Bakit ka ba ganyan? Ang labo mo Amiko" hinarap ko siya

"Ako pang Malabo? Eh ikaw nga yon eh! Sayo ko yan ginawa pero bakit mo sa kanya binigay!"

"Okay okay whoa, galit na galit ka nga" medyo umurong siya while he's waving his hands "kalma lang"

"KALMA????" parang umuusok na sa galit ang tenga ko. Doon ko lang napansin sa paligid namin sila Kaye, Denise at Fenrir, si Delilah, wala na eh. Napahinto ako kasi parang bato na sila na nakatunganga lang saken.

-__- "Look pati mga friends mo takot na sayo hahahah" nilingon ko naman silang lahat at ngumit or better to say ngumiwe. -__-

"Amiko, alis muna kami, baka magkagera na dito" Paalam ni Kaye

"Oo nga, warlang warla ka ateng eh, wag mo naman jombagin si Fafa Francis" Fenrir said.

Umalis na silang lahat at naiwan kami dito ni Francis. Nakatingin lang ako sa kanya ng masama, pero siya? Ayon, walang ka-emosyon-emosyon ang mukha, nangaasar ba siya?

"Amiko, sorry na"

O__O

"Sorry kung binigay ko kay Elaine yung lunch na ginawa mo. Hindi ko naman kasi alam eh, pero kung alam ko? Kahit na busog na ako kakainin ko pa din yun, uubusin at sisimutin ko pa. Kasi alam kong ginawa mo yon, at ayaw kong masayang, kaso.." he paused, napailing siya at tumingin sa iba. "wala eh, tsaka"

Nagtataka na ako sa kanya sa kakahinto niya, ako naman tamemeng nakatingin lang at nakikinig sa kanya.

"Tsaka ano?" tanong ko dito. He faced me and...

"IKAW DIN KASI MAY KASALANAN! Dapat binigay mo sa akin ng maayos, tapos magagalit ka jan! eh ikaw din may kasalanan! Nagtago-tago pa ka doon sa ilalim ng lamesa ko!!! Muntik na kita masipa nung nakita kita! WAG MO NANG GAGAWIN YON!!!" parang bulking sumabog si Francis. Hingal na hingal siya at nakahawak sa tuhod niya.

"Amiko..." biglang nanlaki ang mata ko sa itsura ni Francis. Wet look dahil sa pawis niya pero...ang cool ang cool at ang cool niya tignan. \*u*/

Habang amaze na amaze ako sa kanya, bigla niya akong niyakap. O///o Habang yakap niya ako sinabi niyang...

"ayoko kong nasasaktan ka..."

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin, pero ramdam kong nasasaktan siya sa mga sinabi niya. Anong ibig sabihin nito?

Umalis na si Francis at iniwan ako dito sa rooftop. Ano ba? Baliw ba si Francis? Or may sira sa utak niya? O?O

Natapos na ang klase namin, umuwi na sila kasi may gagawin pa sila at wala akong idea doon. Lumabas na ako ng school building kaso...bigla kong natanaw ang bulletin board sa school at nabasa ang isang bagay na gumimbal sa sarili ko.

"R-Rupert..."

Umuwi na ako sa bahaya agad at sinubukang tawagan si Rupert, pero hindi siya sinasagot. Ang sakit sa pakiramdam ng ganito. Totoo ba yon? Totoo ba ang nabasa ko. Oo, bukas na nga ang alis ni Ayesha, pero, sasama ba talaga siya? At iiwan ang...TEKA? Di ba girlfriend niya ako? O___o bakit???

"leshe, sumagot ka naman Rupert" naiiyak na ako sa kwarto. Bakit ganito?





Kinabukasan...



*ssshuurrggg*

Nagulat kaming lahat ng dumating si Francis sa classroom na parang galit. Ano naman ang problema ng lalaking 'to? Please wag ngayon ah! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay Rupert.

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon