A/N: Sorry! May mix-up na nangyari! Hihi. Ito pala ung una before ng Pagtataksil. Poltre, apwes!
.
"Magandang umaga po, Ashti Alena, Ashti Danaya!" Masayang bati ni Lira isang umaga.
Ngunit tila hindi maipinta ang wangis ni Alena sa tuwina'y nakikita nito si Lira. Ito ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang anak. At hindi niya gustong makita pa itong muli. "Ano sa tingin mo ang maganda sa umaga Lira? Dahil ba buhay ka at humihinga? Masaya ka ba na ikaw ay buhay at hindi ang aking anak na si Kahlil?" Poot sa tinig ni Alena.
"Alena, ano't iyong sinisisi si Lira sa pagkawala ni Kahlil? Wala siyang kasalanan, bagkus ay si Kahlil din ang dahilan. Nais nitong paslangin si Lira noon at naulit pa itong muli. Karima-rimarim ang iyong tinuran Alena, hindi mo dapat sisihin si Lira." May galit sa tonong sagot ni Danaya sa tinuran ni Alena.
"Hindi man siya ang pumaslang kay Kahlil, siya naman ang bunga ng pagtataksil ni Ybarro at Amihan sa akin! Siya na din ang dahilan ng pagkawala ng aking anak pagkat isang siyang sumpa!" Galit na sigaw ni Alena.
Ikinagulat ito ni Ybrahim at Amihan ng madinig nila ito na nasa magkabilang pintuan ng hapag kainan. Hindi inaasahan ang mga pangungusap na ito ni Alena na dahilan ng awa ni Amihan sa kanyang anak. Gayon din ang panlulumo ni Ybrahim sa inasal ni Alena.
"Alena, bakit mo sinisisi ang aking anak? Walang kasalanan si Lira. Kung hindi mo pa rin naiintindihan na si Emre ang siyang nagtakda nito, hinding-hindi ako makakapayag na tratuhin mo ng ganito ang aking anak. Si Ybrahim ay ama ni Lira, ngunit kailan ma'y hindi kami nagkaroon ng ugnayang dalawa. Sapat na sa akin ang ipinagkaloob na ito ni Emre. Handa akong lumaban para sa aking anak Alena, gaya ng nararamdaman mo ng mawala noon si Lira. Kahit minsan wala akong sinisi, pagkat batid ko na kasalanan ko ito bilang ina niya dahil napabayaan ko siyang mag isa. Sapat na ito Alena." May galit sa tinig ni Amihan. At tuluyan na silang naglaho ni Lira.
Walang nagawa pa si Ybrahim, tila siya nasaktan sa tinuran ni Amihan na wala silang naging ugnayan nito. Napakasakit, nakakapanlumo. Hindi yata niya matatanggap ang tinurang ito ni Amihan. Nais niya sana itong sundan ngunit pinigilan ito ni Alena. May awang naramdaman si Danaya para sa kanyang apwe na si Alena, sapagkat tila pinamamahayan na ito ng galit sa kanyang puso. Ngunit higit ang awa niya para kay Amihan, sapagkat sa dami ng pinagdaanan nito, nanatili pa rin ang pagiging malambot ng puso nito. Dalangin na sana ay matapos na ang alitan sa kanilang magkakapatid.
"Alena, saan ka patutungo?" Tanong ni Ybrahim ng madatnan niya sa silid ito na naghahanda at tila ito ay may pututunguhan.
"Ako lamang ay maglalakadlakad sa kagubatan, sapagkat lalo lamang akong nakakaramdam ng lungkot at pangungulila sa ating anak na si Kahlil. Maari mo ba akong samahan Ybarro?" May lungkot sa tinig ni Alena.
"Alena, hindi mo ba batid ang peligro sa kagubatan kung nais mong maglakadlakad lamang? Ikapapahamak mo ito Alena, kaya't pakiusap manatili ka na lamang dito sa iyong silid. Marami pa akong dapat gawin. Kaya't hindi kita masasamahan." Pahayag ni Ybarro.
"Hindi kita kailangan, Ybarro. Kaya ko ang sarili ko. Batid ko ngang hindi ka man lang nakaramdam ng galit ng mawala ang ating anak. Dahil ba kay Lira? Ybarro, gabi-gabi ako nangungulila sa ating anak. Bawat pagising ko tila nais ko na lamang matulog at hindi na muling magmulat upang ako lamang ay masaktan. Pabayaan mo na lamang ako." May galit sa tinig ni Alena, at tuluyan itong naglaho.
Ibig mang sundan ito ni Ybrahim ngunit siya'y tila napapagal na sa inaastang ito ni Alena. Bilang ama, hindi ito madali, lalo pa at ang kanyang mga anak ay tila pinaglalaruan ng tadhana. Maaring may isakripisyo at magbuwis buhay para lamang sa isa. Napapagal na damdamin, bakit hindi ito maintindihan ni Alena. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ybrahim. Kung saan man patutungo si Alena dalangin na lamang na makabalik ito ng Ligtas.
Sa kagubatan, hindi sadyang nagkitang muli si Pirena at Alena. Napansin ni Pirena na tila may pagdaramdam ito. "Alena, ano't ganyan ang iyong wangis? May nangyari ba?" Tanong ni Pirena.
"Pinagkaisahan nila ako Pirena. Hindi nila naiintindihan ang aking dinaramdam. Sapagkat hindi nila batid ang pakiramdam ng mawalan ng anak. Nais ko lamang mapag-isa." Galit na turan ni Alena.
"Ako naiintindihan kita Alena. Tulad mo ay nawala din sa akin si Mira, ang tunay kong anak. Inagaw ito sa akin ni Amihan. Sapagkat makasarili siya. Pati na si Ybarro ay kanyang inagaw sa'yo Alena. Kaya makinig ka. Huwag ka na muli magtitiwala sa kanya. At mas nais nilang mabuhay si Lira kesa kay Kahlil." Gatong ni Pirena sa tinuran ni Alena.
Dahilan upang lalong sumiklab ang galit ni Alena para kay Amihan at sa anak nito na si Lira. Napoot sapagkat inakala nito na ang lahat ay inagaw ni Amihan sa kanya.
"Makipagkaisa ka sa akin Alena, upang maipaghiganti natin ang iyong anak na si Kahlil at ang aking anak na si Mira. Kailangan nating mabawi ang ating kapangyarihan kay Hagorn. Sa ngayon ay kailangan muna nating makipagkaisa kina Amihan. Gagamitin natin siya sa anumang balak nila kay Hagorn. Magagamit din natin sila upang makuha natin ang kanilang brilyante para mapasa-atin ang dapat ay sa atin Alena." Mahabang pahayag ni Pirena. Umuusal na sana'y makipag kaisa sa kanya si Alena. Upang maisakatuparan nila ang kanilang paghihiganti.
"Pumapayag ako Pirena, ngunit nais ko sanang bawiiin kay Lira ang ibinasbas kong magandang tinig sa kanya, pagkat naiirita ako sa t'wing naririnig ko siyang inaawitan si Ybarro at Amihan. Tulungan mo sana akong makuha siya Pirena." Sang ayon ni Alena.
"Maaari Alena. Sa ngayon lahat ng mangyayari ay iyong ipababatid sa akin upang maging tayo ay makapaghanda sa anumang pagpaplano ang gagawin nina Amihan." Dugtong ni Pirena.
Nakabalik na si Alena sa palasyo, hinanap ng kanyang mata si Ybarro, ngunit hindi nya ito natagpuan. Maging si Amihan at Danaya ay wala. At tila nakikiayon sa kanya ang pagkakataon sapagkat ang mismong pakay niya ang lumapit sa kanya.
"Lira, nasaan ang iyong ina at Ashti Danaya?" Kunwang tanong ni Alena.
"Ashti Alena, hinahanap po kayo ni itay at Ashti Danaya sa kagubatan sapagkat naramdaman ni inay na may nakaambang na kapahamakan muli dito sa Encantadia. Kaya magpahinga na po kayo sa inyong silid at ipapabatid ko na nandito na po kayo." Sagot ni Lira. Akma sanang lalapitan niya si Lira, upang kunin gaya ng usapan nila ni Pirena, ngunit bigla na lamang dumating sina Danaya at Ybarro.
Ano ang pakay ni Alena kay Lira? Magtagumpay kaya sila?
YOU ARE READING
There You'll Be
FanfictionSa gitna ng unos at pagsubok, magkasama nilang haharapin ang mga ito dahil isa silang pamilya. Written by: ColdHeart DISCLAIMER: Characters and setting is owned and of EncaTeam and GMA. Most of the scene ay ginagawa kong inspiration, though some sce...