Chapter 1 : The Beginning

2K 28 18
                                        

Birthday ko na bukas.

Paulit ulit na sinabi ko sa utak ko. Birthday ko na nga bukas. Okay lang sana kung birthday lang pero hindi. Hindi lang ito birthday kundi anniversary din namin.

Anniversary na namin bukas.

Aish! Ano ba gift ko para sa kanya? Hindi ko siya mabigyan ng damit kasi marami na siyang damit, brand new pa nga palagi. Di pwede ang relos kasi sumusuot lang yun ng mga mamahaling relos tsaka galing pa sa ibang bansa. Alangan naman pupunta pa ako sa Saudi ngayon.

Shoes? No.
Bags? No.
Pants? No. Damit parin pala yan, di yun nagsusuot ng di branded.
Flowers? No. Di naman siya babae.
Cake? No. Nandidiri pala yun sa icing.
Letters? No. Tamad yun magbasa.

Aish! Ano bang makakapagpasaya sa taong yun.

Napaisip nalang ako sarili ko. Masaya naman siya kapag kasama ko ah? Ba't pa ako mag-eeffort ng masyado? Pero nakakaconscious din naman kapag wala akong mabigay.

Gagawa nalang ako ng photo journal tungkol sa aming dalawa. Di naman ako mahihirapan nyan kasi marami kaming Polaroids. Mahilig kasi ako diyan.

Hindi ko naiwasang mapangiti ng tuluyan. Hindi ko inakalang magtatagal kami ng 365 days bukas. Sana naman aabot pa ng mas matagal. Kasi mahal na mahal ko na siya e. Yung tipong mamamatay ako kapag wala siya? Parang ganun. Siya kasi yung dahilan ng paggising ko at ang tanging panaginip ko basta natutulog ako.

"Ang korni ko na nga masyado." Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pupuntahan ko pa kasi ang kaibigan kong si Venus sa cafe na pinagtatrabahoan nya bilang waitress. Since bukas, birthday ko na, gusto ko siyang i-invite na naman sa birthday party ko sa bahay namin. Kahit baduy na magparty, minsan lang naman tayo magiging 18 diba?

Yes, tomorrow I'd be an official adult. Kaya pupuntahan ko rin ang kaisaisa kong kaibigan para naman mag-enjoy ako sa huling araw ko bilang isang teenager.

Palapit na ako sa cafe ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Mabuti naman at hoodie ang suot ko ngayon. Tumakbo ako patungo sa cafe at pumasok.

Wala namang masyadong tao kaya kaagad ko siyang nakikita sa counter. Lumingon siya sakin at kumaway at ako naman, as a best friend, kumaway din. Nagpaalam siya sa boss niya at hinubad ang itim na apron na suot nya. Tumingin ang boss niya sa akin tapos marahan na yumuko. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

Yung boss kasi ni Venus, nagtatrabaho sa kompanya ng mommy ko. Tapos business nya lang ang cafe na ito. Well, nagkakapera din naman siya ng malaki dito since magaling din naman siya sa pagnenegosyo. Since under sya ni mommy, nirerespeto niya rin ako kasi anak ako ng mommy ko kahit naman di na kelangan.

"Marsssssss!" Hindi ko namalayan na kaharap ko na pala ang maingay kong best friend.

"Marsssssss!" Hindi ko namalayan na kaharap ko na pala ang maingay kong best friend

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
23 Break UpsWhere stories live. Discover now