"Sorry, nagmamadali kasi ako. Hinahabol ko kasi si Kristopher, eh." Sinserong hingi ng paumanhin ng binata.

Nang marinig ang pangalang binanggit ay napipilan ang dalaga. Saka lang niya napagtanto na ang nakabangga niya ay walang iba kundi si Kristian, ang kakambal ni Kristopher Villavicencio.

"Okay ka lang?" tinig ng lalaki na nagpabalik ng iritasyon sa magandang mukha ng dalaga. Nanatili pa rin itong nakayapos sa beywang niya.

"Sa susunod titingnan mo'ng daraanan mo, ha? Para hindi ka nakakadisgrasya ng kapwa mo." Pasupladang wika niya sabay tulak sa lalaki ng may kalakasan saka siya nagmartsa papunta kina Cindy na nakatayo na at balak na sana siyang daluhan.

"Pasensya ka na ulit, Miss Baptista." Wika ni Kristian na nakasunod pala sa kanya. Sa narinig ay mabilis siyang napalingon.

"Kilala mo ako?" kunot-noong tanong niya rito. Isang ngiti ang pinakawalan ng binata saka dumako ang tingin nito sa bandang dibdib niya na lalo niyang ikinainis.

"Bastos!" Muli ay bulyaw niya rito.

"What!? Ako bastos?" Kunot-noong saad ni Kristian. "Nabasa ko diyan sa nameplate ng uniform mo ang pangalan mo na pangalan mo naman talaga siguro tapos pagsasabihan mo ako na bastos ako?" Naniningkit ang matang dagdag pa nito.

Napalunok siya sa tinuran ng lalaki. Oo nga pala, nakasulat kasi ang pangalan at kurso nila sa pin na ikinakabit sa blusang uniform nila na nasa gawing dibdib.

"Huwag masyadong assuming, Miss Baptista." Wika ni Kristian na bahagyang lumapit sa kanya, tinitigan siya sa mukha pababa hanggang dibdib at muling bumalik sa mukha niya saka siya nilampasan. Siyang lapit nina Cindy at Joshua.

"Ang kapal ng mukha niya! Ang layo talaga ng ugali niya kay Kristopher." Masama ng loob na wika niya.

"Mas gwapo naman sa kakambal niya, Bes." Saad ni Cindy na bahagya pa siyang siniko. Maang na napaharap siya sa kaibigan na abot-tenga ang ngiti.

"Paano naging gwapo 'yon? Bulag ka ba? Yun, gwapo? Patawa ka, Bes!" Nakaingos na saad niya.

"Tara na sa canteen. Nagugutom na ako," seryoso ang tinig na yaya ni Joshua na nahalata na ang pangangasim ng mukha niya saka nagpatiuna.

"Ano'ng problema non?" Bulong ni Kristin sa kaibigan habang nakasunod sila kay Joshua papuntang canteen.

"Hindi ko alam. Alam mo naming ganyan talaga 'yan minsan." Seryoso rin ang mukhang sagot ni Cindy habang tinatanaw ang binata.

"Ano na ba ang status nyong dalawa?" Curios na tanong niya. Isang kibit-balikat lamang ang naging sagot nito kaya naman nagpatuloy siya. "Hay naku, masyado siyang maraming iniisip, Bes. Nasobrahan naman kasi ata sa pagkaresponsableng tao niyang love of your life kaya hanggang ngayon ayaw n'yo pang magpaka-official."

"Ikaw talaga. Alam naman nating pareho na marami siyang priorities sa ngayon. Hindi naman lingid sa'yo kung ano'ng mga pinagdaanan niya. Makapaghihintay naman ako, Bes. Isa pa, masaya naman na kami sa ganito. Walang commitment, walang hassle. Hindi kagaya mo," nakangiting turan ni Cindy.

"Anong ako na naman yan, Cindy?" Nakaangat ang kilay na tanong niya.

"Kung magsalita ka diyan parang ang saya ng love life mo, eh hanggang ngayon puro dream dito, dream doon ka pa rin kay Kristopher. Kailan ka ba magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya 'yang nararamdaman mo?" Tukso ni Cindy na ikinamula ng pisngi niya.

"Yang bunganga mo naman, Bes. Baka may makarinig sa iyo."

"So what? Buti nga 'yon, eh para hindi kami ni Joshua ang lagi mong nakikita. Aba! 'yong mga kababaihan dito todo na ang the moves, ikaw naman parang tubig sa banga. Stagnant!"

"Hee! Tumigil ka nga. Nakakahiya yang mga pinagsasasabi mo!"

"Anong nakakahiya doon? Ang swerte nga ng Kristopher na 'yon dahil siya ang first love mo. Graduating na si Kristopher, Bes. Kailan ka pa gagawa ng paraan para diyan sa damdamin mo? Kapag wala na siya rito? Tapos sasabihin mo sa akin na kesyo hindi kayo bagay kasi ganito siya, ganyan ka lang. Naku, hindi uubra 'yang standard-standard na 'yan pagdating sa pag-ibig, Bes."

'yon na! Kapag nagsimula ang bunganga ni Cindy, susuko kang talaga. Kung gaano kasi siya kareserve, ganoon din ito kadaldal. Bagay na ipinagtataka ng mga nakakakilala sa kanila dahil mabilis silang nagkasundo.

"Cindy naman! Hayan ka na naman. Hindi nga kasi ako katulad ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Alam ko kung saan ako dapat lumugar tsaka andaming girlfriends noon. Kahit mahal ko siya at kahit na may pitik 'yong katotohanan na 'yon sa puso ko, ayaw ko na intindihin masyado. Lilipas din ito, believe me."

"Ganyan din ang sinabi mo sa akin noong sabi mong narealize mo na in love ka sa Kristopher na 'yon. And that was almost a year and a half ago pa, Bes at may nangyari ba? Nakalimutan mo ba? Lumipas ba? O, di ba hindi? Wala! 'yong kapatid ba di mo talaga bet? Feeling ko naman mas okay 'yon kaysa kay Kristopher."

"Hay, ewan ko sa'yo! Gutom lang yan, Bes. Halika na. Naghihintay na si Joshua."

"Seryoso ako, Kristin. Mas bagay kayo ni Kristian. Kita mo, sa pangalan pa lang rhyme na rhyme na. Kristin. Kristian."

"Hindi ko pinangarap magmahal ni magkacrush man lang sa isang hindi ko maintindihan, Bes. He is a total opposite of Kristopher. Tingnan mo nga yan, imbes gagraduate na gaya ng kambal niya, hayun! Third year college pa lang, irregular pa dahil sa pagiging basagulero. Hindi ko nga magets bakit kailangang ilipat pa yan dito sa school natin ngayong taon, eh. Sana doon na lang siya sa kabilang university."

"Hate mo siya? Iba na yan, ah. Sabi nila, the more you hate, the more you love."

"Kutusan kaya kita diyan. Kanina ka pa, eh."

"May spark kasi kayo, Bes. Alam mo 'yong feeling na kapag siya ang kasama mo natututo kang sumigaw at magsuplada?"

"Ano?! Nasisiraan ka na yata ng ulo, Cindy!"

"Bahala ka basta sinasabi ko lang ang nakikita ng dalawang mata ko. At alam mo ba, feeling ko magkukrus uli ang landas niyo ni Kristian. Aabangan ko 'yon, Bes."

At isa ngang may kalakasang batok ang natanggap ni Cindy mula sa kanya.

ITUTULOY

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the Wrong One Loves You RightWhere stories live. Discover now