Chapter One

57 4 4
                                    

"Bessy, ready ka na?" tanong ng bestfriend niyang si Cindy mula  sa kabilang linya.

"Oo. Hihintayin na lang kita dito sa bahay. Bakit ba kasi ang aga natin ngayon, ha?" tanong ni Kristin habang nagsusuklay ng basa pang buhok.

"Eh, 'di ba nga birthday ni Joshua kahapon tapos hindi tayo nakapunta dahil anlakas ng ulan? Sabi kasi niya maaga siya sa school ngayon kaya dapat pagdating niya, nandoon na tayo para 'di na siya magtampo pa lalo."

Nakangiting sumagot siya sa tinuran ng kaibigan. "Ang sabihin mo, excited ka lang na makita siya. Na masyado nang mahaba ang dalawang araw na 'di kayo nagkita dahil sa holiday. Sige na, see you."

"Hee! Sige, bye."

Nakangiting ini-off niya ang cellphone saka nagmamadaling tinungo ang komedor kung saan naghahain na ang kanyang mommy.

"O, nandiyan ka na pala. Kumain ka na," wika ng ina ni Kristin na si Aling Leonor na abala sa pagsasalin ng sinangag sa bandehado.

"Sa school na ako kakain, My. Malapit na raw si Cindy, eh."

"Bakit ang aga nyo, nak?" tanong naman ng papalapit na ama na si Mang Alvin. Magalang niyang kinuha ang kamay nito at nagmano.

"Madami kasi kaming projects na aayusin pa, Dad. Sige po, I love you both. Alis na po ako," sagot niya sabay halik sa pisngi ng mga magulang.

"Sige, mag-iingat ka. 'yong payong mo, ha? Maulan ang panahon ngayon, baka mabasa ka't magkasakit." Paalala pa ng ina.

"Nandito na po. Bye po."

***

"Sabi ko na nga ba nandiyan na si Joshua," wika ni Cindy na mabilis na tinalunton ang pathway patungo sa bench na kinauupuan ng isa pa nilang kaklase na si Joshua. "Good morning, Josh." Bati nito sa lalaki. Inilapag ng babae ang dalang maliit na box pati na ang mga gamit nito sa mesa. Tahimik lang na naupo si Kristin sa tabi ni Cindy paharap sa lalaki. Walang imik na tinapunan lang sila ng tingin ni Joshua na halata ang pagtatampo sa hilatsa ng mukha. Nagkatinginan ang magbest friend.

"Para nga pala sa'yo. Carrot cake 'yan. Nagpatulong ako sa pagbake kay Mommy. Sorry na naman, o. Gusto talaga naming pumunta ni Kristin kaso baha na sa subdivision, eh at saka ayaw na rin ako payagan ni Mommy." Simula ni Cindy na bahagyang inilapit ang box kay Joshua.

"Ayos lang," maikling sagot ng huli. Kinuha nito ang isang notebook at tinatamad na binuklat 'yon.

"Ayos daw. Eh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Kristin.

"Wala. Bakit ba?"

"Asus! Nagtatampo ka, eh. Hayan na nga, o. May peace offering na si Bessy sa'yo. Alam mong takot humarap sa kitchen 'yan pero nagawa niyang magbake para sa'yo. Hay naku, maiwan ko na muna kayo. Pupunta lang ako sa ladies' room." Natatawang paalam niya.

"Bilisan mo, Bes ha? Manglilibre si Joshua ng breakfast sa canteen, eh." Pilyong wika ni Cindy habang matamis na nakangiti sa binatang nakakunot-noo sa kanilang dalawa.

Pagkatapos magbawas ay muling bumalik sa bench si Kristin. Malapit na siya sa dalawang tila nagkaayosbna dahil balik-sweetness na uli nang walang anu-ano'y pahangos na tumatakbo sa gawi niya ang isang lalaki. Huli na para umilag siya na papagilid sana ng kanan. Hindi naman niya inakalang sa direksyong iyon din ang tatahakin nito.

"Argh! Ano ba?" Malakas na sigaw niya na kung hindi lang maagap na nahawakan ng lalaki sa beywang ay malamang na natumba na siya sa sementadong pathway or worst, baka bumangga siya sa bakal na poste na nasa gilid lang niya.

"Hey, watch out!" malakas na sigaw din ng lalaki.

"Watch out mong mukha mo! Bulag ka ba?" Bulyaw niya rito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When the Wrong One Loves You RightWhere stories live. Discover now