The mystery Island Story

13 1 0
                                    


"Paano yan!Paano tayo makakabalik?!"Bulyaw ng isa sa mga kasamahan namin.

"W-we don't know!natrap tayo 'ni hindi nga natin alam kung anong lugar ito.."takot na takot na sabi ni Celina

"Unti unti tayong nauubos si lena at Jami wala na sila!"Mangiyak iyak na tugon naman ng kaibigan kong si Sabina,maging ako ay natatakot dahil sa pagkawala ng dalawa naming kaibigan at hindi posibleng isa isa kaming mawawala sa islang ito..

Isla na kung saan nagbago ang lahat sa amin,puno ng misteryo at kagimbal gimbal na pangyayari.Simula noong araw na iyon naging magulo at masalimot ang aming buhay,ang araw na natanggap namin ang isang imbitasyon na syang hindi namin inakalang magdadala samin sa kapahamakan sa Islang puno ng misteryo at unti unting pagdanak ng aming mga dugo.

"Alli!Kilangan na natin bumalik sa grupo magdidilim na at baka kung ano pa ang makita natin dito."Saad ni Sabina na syang kinatango ng ulo ko.

"ahhh!!"Nagulat kami ng may sumigaw..nagmumula sa kinaruruunan ng grupo dahilan para mapatakbo kami pabalik doon.

"A-ano nangyari? "hingal na tanong ko.

"m-may putol na kamay."sabay turo ni Thea  doon sa kamay na nasa ibabaw nang putol na sanga halos mapa upo ako sa lupa dahil sa gulat ko at nakita ko.Imposible!Ano bang merun sa lugar na ito?

"Di maari!B-bracelet ni Jami yang nasa kamay.."tinignan ko muli ang putol na kamay at nakumpirma kong Kay jami nga iyon posibleng pinutol ng killer ang kamay ng kaibigan namin at hanggang ngayon di pa naming mahanap ang bangkay nito.

"Lampastangan!"Gigil na sabi ni Kevin

"ahhh!!!ayoko na,umuwi na tayo natatakot na ko"halos mangiyak-iyak na sabi ni pia.

"shhhhhh..wag kanang umiyak makaka-alis din tayo."pang-aalo naman ni Akira.

Nakita kong naglakad si Aki at sa paggalaw nya ay nalaglag nya yung necklace nya.Nilapitan ko naman sya at pinulot iyon..

"Aki!Nahulog mo.."napalingon sya sakin sabay kuha nito at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Inilibot ko ang mga mata ko sa kagubatan,madilim na at halos mga huni ng ibon at kung ano ano pa ang naririnig namin.

"tsk,gabi na mag hanap na tayo nang matu-tulogan natin para makapag pahinga na rin tayo."sabi naman ni Gabby at nagsimula nang mag lakad.Walo nalang kaming natitira at panigurado hindi kami titigilan hanggat di kami nauubos,nagtayuan ang balahibo ko ng may kung anong nakatingin sakin ayuko lumingon baka katapusan ko na pagnagkataon.

Nagpagabi kami sa isang kweba at ni isa sa amin ay hindi natutulog at dahil madilim ay hindi namin masyado makita ang paligid tanging sinag ng bilog na buwan lamang ang aming ilaw.Naidlip ako sandali at maging ang iba ay ganun din.

"Thea asan ka?"Naalimpungatan ako sa boses ni kevin at naimulat ko ang mga mata ko.

"N-nawawala si Thea!"manginig nginig na wika ni Celina at di mapakali.

"Ano?!!"gulat na sabi namin

"Anong nawawala imposible!Katabi ko lang sya kanina!"bulyaw ni kevin

Napatayo ako at nakisabay sa komusyon.Di maari yun paanong nawawala si thea?Hindi nga namin napansin iyon!

"S-sigurado ka Celina?papaano mo nasabi?"kinakabahan na tugon ni Sabina maging ako ay kinakabahan na din.

"Hindi naman a-alis si thea dito lalo na't Gabi.."dugtong ni pia

"B-baka yung multo,yung anino!yung nakita natin sa batis! n-noong araw na namatay sina Lena at jami"napalingon kami sa sinabi ni Akira.

"Aki ano bang sinasabi mo?Hinding Hindi lalabas si Thea lalo na pagwalang kasama takot sya sa dilim!"paliwanag ni Kevin ng sabihin iyon ni aki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mystery IslandWhere stories live. Discover now