Part 2

698 15 5
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, parang kahapon lang nag-umpisa ang pasukan. Lumalamig na ang panahon, tanda nang nalalapit na Kapaskuhan. 

Hindi naging mahirap ang pagtatransfer ni James, malaki ang naitulong ni Carrie sa kanya sa pag-a-adjust dito.

Regular na tanawin na magkasama sila ni Carrie,mabilis na nahulog ang kanyang loob dito sa unang kita nya pa lang dito. Madami ang parehong interes nila, kalog ito at seryoso sa pag-aaral. Oo nga't hindi sya nagpunta dito para magkagirlfriend, pero hindi nya naman inaalis ang posibilidad na magkaroon.

Nakaupo sya sa library at hinihintay si Carrie, sinipat nya ang cellphone , no new messages. Susunod na lang daw ito sa kanya at may nalimutan sa classroom nila. Kailangan nilang magresearch ng art project. Silang tatlo nina Maureen ang magkakagrupo. Close nya rin si Maureen pero mas sila ni Carrie ang magkasama. 

Mabilis na nagtype sya ng message kay Carrie.

Wru?

Natuto na rin sya magtype ng shortcut dahil kay Carrie. Dati full spelling ang pagmi-message nya. Texting is a whole new ball game na natutunan nya dito sa Pinas. O di nga at Pinas na ang tawag nya sa Pilipinas. Napailing si James at hinintay na magreply si Carrie sa kanya, pero nakatutok pa rin ang mata nya sa pinto. 

Nag-search sya ulit sa laptop nang mga  posibleng project nila. He took notes, to make sure na handa sya pag dumating na si Carrie. Excuse si Maureen ngayon dahil may pupuntahan daw ito ng nanay nya. After school lang sila puedeng magmeet to work on their project, at sya lang ang may laptop sa kanilang tatlo. He did most of the research na okay lang naman sa kanya kahit na nga gusto ni Carrie na may parte rin silang dalawa ni Maureen sa pagre-research. 

Tumunog ang phone ni James, mabilis nyang binasa ang message. Galing kay Carrie.

Otw (on the way) na daw ito

Napangiti si James. 

Sa ilang months na pagkakakilala niya kay Carrie, maaasahan ito at laging nasa oras at kung ma-late man ay talagang may tamang reason kung bakit ito na-late.

Maya maya pa nga at dumating na si Carrie, kumaway ito papasok at ngumiti sa kanya.

Hay sorry ha? Si Mau kasi na-misplace nya yong gamit nya so tinulungan kung hanapin. Na-bored ka ba sa pag-aantay?  sabi ni Carrie.

No-no, I was researching din so no worries,sabi ni James at ngumiti.

Tumabi si Carrie kay James at tumingin sa screen.

O nag-uumpisa ka na nga, galing mo talaga.

Napakamot si James, biglang namula ang pisngi na hindi naman nahalata ni Carrie. Any compliment coming from Carrie makes him blush.

Hindi naman, just doing my part. Tingnan mo dyan kung ano sa tingin mo ang maganda then we can decide later with Maureen,  sabi ni James.

Humble mo talaga, tumingin si Carrie kay James na nakangiti pa rin at binaling ang tingin sa screen, basahin ko lang nang mabilisan ha.

Take your time, Carrie. 

Habang nagbabasa si Carrie, nakatingin lang si James dito. Maganda si Carrie, gandang Pilipina ika nga ng nanay nya. Malakas ang pagkabog ng dibdib ni James, alam nyang mas pa sa kaibigan ang tingin nya dito pero alam nya kung ano ang priorities ni Carrie. Ayaw din nyang masira ang friendship nila at ma-distract ito sa pag-aaral kaya nanahimik na lang sya at sinasarili ang paghanga dito. Alam nyang mga bata pa sila pero he will try to just be friends with her as much as he can. Hindi nya sure kung ano ang tingin sa kanya ni Carrie, he is too shy to ask at alam nyang hindi pa panahon para itanong yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Saglit LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon